Ashley Ortega and Vaness del Moral
TV

Ashley Ortega, Vaness del Moral, natuwa sa online feedback ng netizens tungkol sa 'Widows' Web'

By Dianne Mariano
Panoorin ang reaksyon nina Kapuso stars Ashley Ortega at Vaness del Moral tungkol sa iba't ibang online feedback na kanilang natanggap tungkol sa 'Widows' Web.'

Isang masayahang kuwentuhan ang hatid nina Sparkle artists Ashley Ortega at Vaness del Moral kasama si Betong Sumaya sa Kapuso ArtisTambayan noong nakaraang Huwebes (April 21).

Masaya ang Kapuso actresses sa samu't saring feedback na kanilang natatanggap sa social media tungkol sa Widows' Web, na kanilang pinagbibidahan.

PHOTO COURTESY: Kapuso ArtisTambayan (show page)

Wika ni Vaness, “Syempre nakakatuwa, nakakataba ng puso na lahat ng pagod at hirap at pagkawalay namin sa pamilya namin, paid-off already and still paying off. Sobrang sulit. Nababasa ko lahat ng comments po ninyo kahit wala akong Facebook.”

“Kahit wala po akong Facebook, meron akong mga followers na sobrang tiyaga, sobrang sipag mag-screeenshot ng mga comment ninyo tapos sinesend nila sa Instagram ko para makita ko 'yung comments ninyo,” dagdag pa niya.
Lubos na nagpasalamat din ang aktres sa mga manonood na minahal ang kanyang karakter na si Hillary Suarez.

Ayon naman kay Ashley, na-overwhelm siya sa mga comment ng netizens sa social media.

Aniya, “Sobrang overwhelming lahat ng comments ng mga tao. From the very beginning up to now, syempre ang kaisa-isang tanong ng buong bayan kung sino ba talaga ang totoong pumatay [kay AS3].”

“Hanggang ngayon nababaliw pa rin sila kung sino ba ang totoong pumatay pero again, malapit na nilang malaman. At marami pang revelations na malalaman ang viewers at tuluyan silang maloloka,” pagpatuloy ng aktres.

Ikinuwento rin ni Ashley na ang kanyang karakter bilang Jackie Sagrado ang pinaka-mature role na nagawa niya sa GMA. “Nagkaasawa ako, nabiyuda ako [sa show]. Tapos ang mga kaeksena ko pa ang lagi kong kasagutan si Ate Mina, si Ate Vaness. So, talagang kailangan ko mag-make ng effort to reach their level para maging same 'yung maturity namin.”

“Challenging pero masaya naman. Ang importante naman ang goal naming lahat ng cast ay matuwa 'yung viewers kasi talagang pinaghirapan namin, 'yung struggle namin worth it lahat,” pagbabahagi niya.

Panoorin ang Thursday kuwentuhan nina Ashley, Vaness, at Betong sa Kapuso ArtisTambayan video sa ibaba.

Samantala, huwag palampasin ang mga makapigil-hiningang eksena sa huling linggo ng Widows' Web, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Silipin ang stylish looks ni Vaness del Moral bilang Hillary Suarez sa gallery na ito.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.