Pauline Mendoza
PHOTO COURTESY: paulinemendoza_ (IG)
TV

Pauline Mendoza reveals her preparations for her character in 'Widows' Web'

By Dianne Mariano
Gagampanan ni Kapuso actress Pauline Mendoza ang karakter ni Elaine Innocencio sa upcoming GMA Telebabad series na 'Widows' Web.' Alamin ang kanyang mga naging preparasyon dito:

Simula February 28, masasaksihan na ang pagganap ni Sparkle artist Pauline Mendoza bilang Elaine Innocencio sa GMA Telebabad series na Widows' Web.

Kabilang ang aktres sa mga pangunahing karakter ng show kasama sina Ashley Ortega, Vaness del Moral, at Carmina Villarroel.

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Pauline ang mga naging preparasyon niya para sa role na ito gaya nang pagbabawas ng timbang.

Aniya, “Since this is my very first mature role, I tried talaga na mag-lose weight. This is very different from any other of my roles from Kambal, Karibal [at] Babawiin Ko Ang Lahat.

“This time, nag-try ako talagang mag-lose weight para magmukhang mature kahit papaano kasi I'm just 22 years old. So, ang hirap din gampanan ni Elaine Innocencio kasi dito magkakaroon ako ng asawa.”

Bukod dito, parte rin ng paghahanda ng aktres ay ang script reading sessions kasama ang kanyang co-stars at ang batikang direktor na si Jerry Lopez Sineneng.

Kuwento ni Pauline, “We did script reading with Direk Jerry [and] with all the cast. And 'yung script reading namin, it's not just binasa namin and then nag-throw lines kami, it's not that.

“What I like about [sa] nangyari is while we are doing the script-reading, unti-unti naming kinikilala 'yung character. Kasi si Direk Jerry, he wanted us na from the script reading pa lang, dapat nabubuo mo na 'yung character mo.”

Puno rin ng pasasalamat ang Kapuso actress nang mapabilang sa lead stars ng Widows' Web.

“Nagpapasalamat ako kasi naging part ako ng napakagandang proyekto na 'to. Napakaganda ng istorya at naging sobrang excited ako kasi this is my first time actually to have a mature role. So, sobrang na-challenge ako this time for this teleserye,” ani Pauline.

Huwag palampasin ang world premiere ng Widows' Web ngayong February 28 sa GMA Telebabad.

Samantala, silipin ang magagandang larawan ni Pauline Mendoza sa gallery na ito:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.