SNEAK PEEK: Inside the lock-in taping of 'Widows' Web'
Mapapanood na tuwing weekdays ang kauna-unahang suspenserye ng GMA Telebabad, ang Widows' Web.
Pinagbibidahan ito ng apat na mahuhusay na aktres ng GMA Network na sina Ashley Ortega (Jackie Sagrado), Pauline Mendoza (Elaine Innocencio), Vaness del Moral (Hillary Suarez), at Carmina Villarroel (Barbara Sagrado-Dee).
Magsisimula ang kuwento ng 'Widows' Web' sa misteryosong pagkamatay ni Alexander Sagrado III. Dahil dito, papasukin ni Elaine ang mundo ng mga Sagrado upang mapatunayan sa kanyang sarili na inosente ang kanyang fiance na si Frank Querubin (EA Guzman) at mahanap ang tunay na suspek.
Sa pagpasok nito sa Sagrado Foundation, makikilala ni Elaine ang tatlong babae na naging parte ng buhay ni Alexander: ang kapatid niyang si Barbara, ang asawa niyang si Jackie, at ang family friend at business colleague ni Jackie na si Hillary.
Kabilang din sa cast ng 'Widows' Web' sina Adrian Alandy, Christian Vasquez, Allan Paule, Tanya Gomez, Mike Agassi, Karenina Haniel, Mosang, Dave Bornea, Josh Morales, Arthur Solinap, Bernard Palanca, Neil Coleta, Anjay Anson, Vanessa Peña, at Ryan Eigenmann sa isang special guest role bilang Alexander Sagrado III.
Ang suspenseryeng ito ay ang unang proyekto ng batikang direktor na si Jerry Lopez Sineneng sa Kapuso Network.
Samantala, silipin ang behind-the-scenes sa lock-in taping ng 'Widows' Web' sa gallery na ito.
Widows' Web
Ang 'Widows' Web' ay kauna-unahang suspenserye ng GMA Telebabad. Tiyak na kapana-panabik ang mga eksenang masasaksihan sa murder-mystery show na ito.
Cast
Ang 'Widows' Web' ay pinagbibidahan nina Ashley Ortega (Jackie Sagrado), Pauline Mendoza (Elaine Innocencio), Vaness del Moral (Hillary Suarez), at Carmina Villarroel (Barbara Sagrado-Dee).
Director Jerry Sineneng
Ang programang ito ay ang kauna-unahang proyekto ng batikang direktor na si Jerry Lopez Sineneng sa GMA Network.
Lock-in taping
Nagsimula ang lock-in taping ng 'Widows' Web' noong December 2021 at nag-resume ito noong January 2022.
Plot
Magsisimula ang kuwento ng 'Widows' Web' sa misteryosong pagkamatay ni Alexander Sagrado III (Ryan Eigenmann). Dahil dito, papasukin ni Elaine (Pauline Mendoza) ang mundo ng mga Sagrado matapos mapagbintanggan ang kanyang nobyo sa kaso ng pagpatay kay Xander at hahanapin ang tunay na suspek.
Male stars
Mapapanood din sa teleseryeng ito sina hunky actors EA Guzman (Frank Querubin), Adrian Alandy (Vladimir Mabantog), Christian Vasquez (Boris Tayuman), at Ryan Eigenmann (Alexander Sagrado III).
Star-studded
Masasaksihan din ang mahusay na pagganap nina Allan Paule, Tanya Gomez, Mosang, Neil Coleta, Mike Agassi, Karenina Haniel, Dave Bornea, Bernard Palanca, Josh Morales, at Arthur Solinap sa 'Widows' Web.'
Young Kapuso stars
Makilala sa 'Widows' Web' ang young Kapuso stars na sina Anjay Anson at Vanessa Peña.