Widows War: Mga pinaghinalaan at itinuturong killers sa serye
Nalalapit na ang pagwawakas ng istorya ng murder mystery drama na Widows' War.
Ang viewers at fans ng serye, nakaabang na sa susunod na rebelasyon pati na rin sa kung sino ang killers at mastermind sa mga nangyaring patayan.
Sinu-sino nga ba ang mga pinaghihinalaan at patuloy na itinuturong killers sa Widows' War? Kilalanin sila sa gallery na ito.
George
Marami rin ang naghinala noon na si George (Carla Abellana) ang lumason sa kanyang asawa na si Basil (Benjamin Alves).
Aurora
Hanggang sa ngayon, ang karakter ni Jean Garcia na si Aurora Palacios ang itinuturo ng viewers na isa sa mga killer sa serye.
Galvan
Para sa ilang manonood at fans ng murder mystery drama, posibleng killer din si Galvan, ang role ni Tonton Gutierrez sa Widows' War.
Royce Cabrera
Si Jericho (Royce Cabrera) ay isa rin sa mga pinaghinalaan noon na killer sa serye. Ayon sa viewers, paghihiganti ang pakay niya kaya siya namasukan sa mansyon ng mga Palacios.
Atty. Iñigo
Pinaghinalaan din noon ni Galvan (Tonton Gutierrez) si Atty. Iñigo (Mike Tan) na pumatay sa kanyang anak na si Basil (Benjamin Alves). Si Atty. Iñigo ang killer ni Peter (Brent Valdez).
Ward
Dahil sa pagbabanta noon kay Francis (Jeric Gonzales), itinuro noon si Ward (Matthew Uy) na pumatay sa una.
Peter
Bago mamatay, itinuro rin noon ang bodyguard na si Peter (Brent Valdez) bilang Palacios killer.