'Widows' War,' may pasilip sa set
Inaabangan na ng Pinoy viewers ang bagong murder mystery drama series na mapapanood sa GMA-7 ngayong 2024.
Ito ang 'Widows' War,' seryeng pagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Silipin ang set ng 'Widows' War' at kilalanin kung sino pa ang makakasama nina Bea at Carla sa upcoming series sa gallery sa ibaba.
Bea Alonzo
Isa sa mga mapapanood bilang bida sa upcoming murder mystery drama series ay ang A-list Kapuso actress na si Bea Alonzo.
Carla Abellana
Mapapanood din ang Kapuso actress na si Carla Abellana bilang lead star sa serye. Ang kasama ni Carla sa larawan ay ang Sparkle star na si Matthew Uy.
Jackie Lou Blanco and Direk Zig Dulay
Jackie Lou Blanco at Direk Zig Dulay sa first taping day ng 'Widows' War.'
Role
Ano kaya ang magiging koneksyon ng role ni Rafael Rosell sa buhay ng karakter ni Bea Alonzo sa 'Widows' War'?
Team
Ang nasa larawan mula sa kaliwa ay ang 'Widows' War' program manager na si Redgynn Alba, direktor ng serye na si Direk Zig Dulay, at executive producer ng programa na si Michele Borja.
Jean Garcia and Tonton Gutierrez
Kaabang-abang ang roles ng seasoned actors na sina Jean Garcia at Tonton Gutierrez sa serye.
Closeness
Kapansin-pansin na close na ang young actor na si Matthew Uy sa batikang aktres na si Jackie Lou Blanco.