Karakter ni Carmina Villarroel sa 'Widows' Web', papasok sa 'Widows' War'
Isang bagong karakter ang dapat subaybayan ng Pinoy viewers sa murder mystery drama na Widows' War.
Sa inilabas na teaser ng GMA kamakailan lang, ipinasilip ang ilang eksena ni Carmina Villarroel na mapapanood na sa hit series ngayong Biyernes, November 15.
Makikilala ang aktres bilang isa ring widow na si Barbara o Barry, ang kanyang role noon sa 2022 murder mystery drama na Widows' Web.
Sa pagtawid ni Barry sa Widows' War, kaabang-abang kung ano ang dala niya sa buhay nina Sam (Bea Alonzo), George (Carla Abellana), at ng iba pang miyembro ng pamilya Palacios. Magiging kakampi ba siya nina Sam at George o kontrabida rin siya sa buhay ng dalawang biyuda?
Huwag palampasin ang rebelasyon tungkol kay Barry at sa kanyang pagdating sa buhay ng mga Palacios.
Bago ang pagpasok ni Carmina sa serye, napanood na rin sa previous episodes nito ang kanyang Widows' Web co-star na si Vaness del Moral.
Si Carmina ay napanood din bilang bida sa katatapos lang na award-winning medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Samantala, huwag palampasin ang mga susunod pang intense na eksena sa pinag-uusapang murder mystery drama na Widows' War. Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.