Rita Daniela, Jean Garcia
TV

Rita Daniela, kinikilig tuwing ka-eksena si Jean Garcia sa 'Widows' War'

By EJ Chua
Updated On: September 18, 2024, 06:10 PM
Idol pala ni Rebecca (Rita Daniela) ang kanyang Tita Aurora (Jean Garcia) sa totoong buhay!

Masayang ibinunyag ni Rita Daniela sa isang exclusive video na isa sa kanyang co-stars sa Widows' War ang iniidolo niya.

Labis niyang hinahangaan ang acting skills ng ni Jean Garcia.

Sa naturang video, binanggit ni Rita ang pangalan ni Jean nang sagutin niya ang tanong kung sino ang gusto niyang makasama sa isang dinner mula sa cast ng Widows' War.

Ayon sa singer-actress, tuwing makaka-eksena at ka-eksena niya ang 55-year-old seasoned actress ay talaga namang kilig na kilig siya.

Pahayag niya, “Si Jean Garcia, oh my goodness, she's one of my idols. Nakakalimutan ko sa iisang eksena kami, kahit take na, kinikilig ako.”

“Parang minsan nawawala ako sa character ni Rebecca kasi pinapanood ko siya,” dagdag pa ni Rita.

Kasunod nito, inilarawan niya ang pagiging aktres ni Jean.

Sabi niya, “Ang galing niya… sabi ko ganito pala talaga kapag sobrang beterana ka na kahit na rehearsal lang o nagbabatuhan lang kayo ng lines, alam mo 'yung may binibigay pa rin siya…”

Ang karakter nina Jean at Rita ang ilan sa talaga namang sinusubaybayan ng mga manonood sa hit murder mystery drama.

Napapanood sila sa serye bilang magtiyahin na sina Aurora at Rebecca Palacios.

Ano kaya ang susunod na mangyayari sa kanila sa loob ng Palacios' Estate?

Patuloy na tumutok sa Widows' War.

Mapapanood ang pinag-uusapang serye tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.