Carla Abellana, lalong ginanahan magtrabaho dahil sa high ratings ng 'Widows' War'
Abala man sa sunod-sunod na tapings para sa Widows' War, nakapaglaan ng oras at nakadalo pa rin si Carla Abellana sa GMA Gala 2024.
Bago magsimula ang pasabog na mga kaganapan sa big event, naimbitahan si Carla para sa isang interview.
Masaya siyang nakipag kwentuhan kina Martin Javier at Patricia Tumulak.
Sa on-the-spot interview, inilahad ni Carla kung gaano siya kasaya at ang buong cast sa patuloy na pagbuhos ng suporta ng mga manonood sa Widows' War.
Ayon sa A-list Kapuso actress, “We are extremely grateful.”
Sabi pa niya, “Lalo kaming nae-excite magwork. Sulit lahat ng pagod.”
Inilarawan din ng aktres ang set ng serye at ang kanyang co-stars.
“Every taping day, we start the day right. We start it on a positive note,” pahayag niya.
Ayon pa kay Carla, bukod sa suporta ng mga manonood, nakatatanggap din ang buong team ng suporta mula sa isa't isa.
Pahayag niya, “We clap for each other, we congratulate one another. We are very grateful for the high ratings…”
Bukod kay Carla, napapanood din bilang lead actress sa serye si Bea Alonzo.
Mapapanood ang Widows' War tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.