World premiere ng 'Widows' War,' ngayong Lunes na
Ngayong Lunes ng gabi, July 1, ipalalabas na sa GMA ang bago at talaga namang kaabang-abang na murder mystery drama series.
Ito ang Widows' War, ang 2024 series na tungkol sa pagkakaibigan, pamilya, pagmamahal, pagtataksil, at mabibigat na sikreto.
Ilang oras na lang at makikilala na natin sina Sam at George, ang mga karakter ng A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Unbreakable nga ba ang pagkakaibigan nina Sam at George?
Makikilala na rin ang kani-kanilang pamilya, ang Castillo at Balay.
Parte rin ng istorya ang kontrobersyal na Palacios family.
Sinu-sino kaya ang mabubuti at sino naman ang mga masasama sa tatlong pamilyang nabanggit?
Samantala, bukod kina Bea at Carla, mapapanood din sa serye sina Tonton Gutierrez, Jeric Gonzales, Juancho Trivino, Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, Timmy Cruz, Rita Daniela, Royce Cabrera, James Graham, Charlie Flemming, Matthew Uy, at Jean Garcia.
Mapapanood din sa espesyal na partisipasyon sa serye ang mga aktor na sina Benjamin Alves at Rafael Rosell.
Abangan ang world premiere ng Widows' War, mamayang 8:50 p.m. na sa GMA Prime.