Teaser ng 'Widows' War,' abangan sa '24 Oras' mamaya
Mapapanood na ang teaser ng upcoming murder mystery drama series na Widows' War ngayong Lunes, June 3.
Una itong ipasisilip sa isa sa segments ng GMA news program na 24 Oras at mapapanood din ito simultaneously sa Kapuso Stream.
Ang bagong serye ay pagbibidahan ng dalawang A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Handa na ba kayo sa unang seryeng kanilang pagsasamahan?
Samantala, bukod kina Bea at Carla, mapapanood din sa upcoming series sina Tonton Gutierrez, Jeric Gonzales, at Juancho Trivino.
Kabilang din sa cast nito sina Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, Rita Daniela, Timmy Cruz, Lovely Rivero, James Graham, Charlie Flemming, Matthew Uy, at Jean Garcia.
Noong January, idinaos ang story conference para sa naturang serye at kasalukuyang nagte-taping ang cast para rito.
Abangan ang istorya ng Widows' War sa GMA Prime.