'Royal Blood' actor James Graham joins the star-studded cast of 'Widows' War'
Isa ang Sparkle star na si James Graham sa mga dapat abangan sa upcoming murder mystery drama series na Widows War.
Matatandaang noong 2023, napanood si James sa GMA series na Royal Blood.
Siya ay nakilala rito bilang si Louie, ang stepson ni Margaret (Rhian Ramos) at anak ni Andrew (Dion Ignacio).
Labis na pinag-usapan online ang karakter ni James sa Royal Blood dahil nabunyag sa finale nito na siya ang killer.
Ano naman kaya ang role niya sa Widows' War?
Samantala, ang Fil-Am yung actor na si James ay unang napanood sa isang episode ng GMA show na Wish Ko Lang.
Abangan si James sa Widows' War, mapapanood na sa GMA ngayong 2024.
Ang naturang serye ay pagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.