Joyce Ann Burton is a self-confessed YsaGuel fan
Kinaiinisan ang aktres at dating beauty queen na si Joyce Ann Burton bilang main kontrabida sa GMA-Quantum Films series na What We Could Be.
Lumalabas siyang Helen, ina ni Franco, na ginagampanan ni Miguel Tanfelix. May alitan ang mag-ina sa teleserye at tumindi pa ito dahil sa girlfriend ni Franco na si Cynthia (Ysabel Ortega), na pinamanahan ni Lola Onor (Celeste Legaspi) ng property kahit hindi nito kadugo ang dalaga.
Pero sa maniwala kayo o hindi, nagagawa niya lamang ito dahil sa pagmamahal. Naging biktima lamang si Helen ng pang-aabuso, na nagpabago ng kanyang pananaw sa buhay. Dahil dito, gagawain niya ang lahat para hindi ito maranasan ng kanyang anak, sa kahit ano pang paraan.
"It's interesting to play a person who hurts other people but only because she loves her son so much at may pinagdadaanan siya sa past pero pinoprotektahan niya lang ang kanyang anak," bahagi Joyce sa panayam ng GMANetwork.com.
Bagamat kontrabida sa What We Could Be, inamin niyang fan siya ng dalawang bida nito na sina Miguel at Ysabel.
Sa katunayan, isa nga raw sa mga paboritong eksena niya ang kissing scene ng YsaGuel na ipinalabas noong October 3.
"May isang scene between Franco and Cynthia na na-witness ko bilang nanay na sa labas, sa character, galit ako dahil sila in love sila but deep down inside as my self, as Joyce Ann Burton, kilig na kilig po ako.
"Ang hirap kaya no'n, 'di ba? You have to be angry but deep down inside, because I'm also a fan, sabi ko nakakatuwa naman. So for me that's one of my favorite scenes," ani Joyce.
Pinuri rin ni Joyce ang work attitude nina Miguel at Ysabel sa set ng What We Could Be.
Sabi ng Bb. Pilipinas Universe 1985, "They are young people who are interested in things outside of themselves. Kadalasan kasi mga young people, they are only interested in what other young people do.
"Miguel cares about his co-actors and I felt that parang in-embance niya ako. Winelcome niya ako bilang mommy niya dito sa set and I really felt accepted and cared about. Hindi lang 'yung 'Hi, Bye.' It's like 'Hi, how are you? How are you doing? Ano 'yung latest sa 'yo?' 'Tapos, we worked together very well, so I really enjoyed doing scenes with him."
Dugtong pa niya, "My experience with Ysabel is more off-cam na talagang she's interested na makapagkwentuhan, so nakakatuwa. I really enjoyed working with these young people."
Mapapanood ang What We Could Be mula Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m., pagkatapos ng Start-Up PH sa GMA.
May replay naman ito sa GTV-Channel 27 mula Lunes hanggang Huwebes sa oras na 12:15 a.m.
May livestreaming din ang What We Could Be sa GMA Network website, at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Magiging available ang episodic highlights ng teleserye sa GMANetwork.com o GMA Network app at sa official social media pages ng network.
Para sa iba pang updates tungkol sa What We Could Be, bisitahin ang kanilang official Facebook page (WhatWeCouldBeGMA) at Instagram account (whatwecouldbegma).
NARITO ANG PASILIP SA SET NG KINAKIKILIGANG SERYE SA GABI: