Yasser Marta is grateful to play one of the lead roles in 'What We Could Be'
Lumaking independent at walang kasangga sa buhay ang role ng Kapuso actor na si Yasser Marta sa bagong GMA Telebabad series na Wat We Could Be na mapapanood na simula Lunes, August 29.
"Sa character ko kasi ando'n na 'yung sakit e. Ako 'yung hindi pinipili kahit ako 'yung palaging and'yan pero bakit hindi nila makita 'yung halaga ko," bahagi ni Yasser sa GMANetwork.com tungkol sa kanyang role sa What We Could Be.
Sa serye, gagampanan niya ang karakter ni Lucas, na leading man din ni Ysabel Ortega maliban kay Miguel Tanfelix. Silang tatlo ang bida sa unang proyekto ng GMA at Quantum Films.
Ayon kay Yasser, ang karakter ni Ysabel na si Cynthia ang magbibigay-kulay sa malungkot na buhay ni Lucas.
"Every scene nararamdaman ko kay Lucas na ando'n pa rin 'yung sakit n'ya kasi may unconditional love s'ya e," ika niya.
Magka-love team sina Miguel at Ysabel sa What We Could Be.
Bagamat walang opisyal na kapareha, hindi naman daw ito big deal para kay Yasser.
Aniya, "Nako, sa 'kin wala namang problema kahit anong role e. Lalo na at nag-start ako as extra talaga. So mabigyan ng ganitong role, sobra-sobrang pasasalamat ko na.
"And, of course, itong show na to gawa ng Quantum Films, siyempre direk Jeffrey Jeturian, direk Neil Daza, Atty. Joji (Alonso), alam mo mga award-winning movies na 'yung mga ginagawa nila so ako kahit anong role tatanggapin ko 'yan basta galing sa kanila."
Ayon pa kay Yasser, walang inggitan sa set at maayos ang kanyang pakikitungo kina Miguel at Ysabel. "Ayokong maging showbiz masyado pero sa, totoo lang, napakaagaan nilang katrabaho.”
"'Yung show sobrang feel good lang e, para lang kaming magbabarkada na naglalaro sa eksena lalo ito romcom so may pagka-comedy s'ya, may drama,” dagdag pa niya.
"'Yung mga eksena kapag kasama sina Miguel at Ysabel, napakadali kasi para lang kaming mga barkadang naglalaro."
Mapapanood ang What We Could Be weeknights, simula August 29, pagkatapos ng Lolong sa GMA.
May replay ito sa GTV mula Lunes hanggang Huwebes, 11:30 p.m., at Biyernes, 11:00 p.m. simula August 29.
May livestreaming din ang What We Could Be sa GMA Network website, at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
NARITO ANG PASILIP SA WHAT WE COULD BE: