GMA Logo jeffrey jeturian
What's on TV

Kapamilya director Jeffrey Jeturian, hanga kina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, at Yasser Marta

By Jansen Ramos
Published August 19, 2022 12:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

jeffrey jeturian


Director Jeffrey Jeturian sa pagdidirek sa mga bidang Kapuso stars sa homecoming project niya sa GMA na 'What We Could Be': 'Ang gagaling nga ng actors ko so pwede nga akong nakahiga lang habang natutulog.'

Homecoming project para sa direktor na si Jeffrey Jeturian ang ginawa niyang serye na What We Could Be, na co-production project ng GMA at ng Quantum Films.

Late '90s hanggang early 2000 gumawa ng serye si Jeffrey sa GMA at kabilang diyan ang Rio Del Mar (1999), Kirara, Ano Ang Kulay ng Pag-ibig (1999), at Biglang Sibol, Bayang Impasibol (2001). Nagdirehe rin siya ng ilang episodes ng long-running drama anthologies na GMA Telesine Specials at Daisy Siete.

Matapos ang kanyang directorial stint sa GMA, nag-focus si Jeffrey sa pagdidirek ng pelikula hanggang sa bumalik siya sa paggawa ng serye noong late 2000.

Ipinagpatuloy niya ang kanyang directorial career on TV sa kabilang istasyon kung saan mahigit isang dekada siyang nanatili.

Sa kanyang pagbabalik sa GMA, ang What We Could Be ang kanyang unang project na pinagbibidahan ng Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, at Yasser Marta.

Ngayon na lang ulit nakatrabaho ni direk Jeffrey ang mga artista ng GMA kaya kinamusta ang kanyang experience sa virtual media conference ng What We Could Be noong Huwebes, August 18.

Anang batikang direktor, "Aaminin ko, actually, when I learned 'yung cast na na-assign sa series ko, I had apprehensions kasi I am not familiar with how they work or 'yung body of words nila," bahagi niya kay Dondon Sermino.

Bagamat nanibago, satisfied naman daw siya sa performance nina Miguel, Ysabel, at Yasser na hindi rin nagpahuli sa mga beteranong artistang kasama nila sa What We Could Be tulad nina Celeste Legaspi, Soliman Cruz, at Art Acuña.

Patuloy ni direk Jeffrey, "Pero as they went along, na-surprise ako kasi sumabay 'yung mga bagong actors ng GMA sa mga beteranong cast members ng series. Especially si Ysabel, Miguel, and Yasser are very young but they are very mature and they are sensitive and intelligent actors. So 'yun, thankful ako do'n [dahil] pinadali nila trabaho ko."

Mariin ding sinabi ng direktor na hindi siya nakulangan sa acting ng tatlong bida, lalo pa at launching show ito ni Ysabel, na female lead sa upcoming series.

Natanong din si Direk Jeffrey kung pinapaulit niya ba ang acting ng artista kapag hindi niya nakukuha ang kanyang gusto, bagay na inamin naman niya pero "in my case kasi ang gagaling nga ng actors ko so pwede nga akong nakahiga lang habang natutulog."

Tampok din sa What We Could Be sina Aleck Bovick, Joyce Ann Burton, Bimbo Bautista, at Joel Saracho.

Mapapanood din dito ang Sparkle talents na sina Vince Crisostomo, Pam Prinster, Hailey Mendes, Lia Salvador, at dating child star na si EJ Jallorina.

Ipapalabas ang What We Could Be simula August 29, 8:50 p.m., pagkatapos ng Lolong sa GMA Telebabad.

NARITO ANG PASILIP SA BAGONG SERIES: