What's on TV

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, aminadong 'extra close' na sa isa't isa

By Jimboy Napoles
Published May 26, 2022 6:20 PM PHT
Updated August 31, 2022 12:11 PM PHT

Around GMA

Article Inside Page


Showbiz News

Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix


Ano nga ba ang dahilan ng "extra closeness" nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega? Alamin DITO:

Kapansin-pansin sa social media posts ng Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega ang pagiging extra close sa isa't isa mapa-on screen man o off screen.

Sa "Chika Minute" report ni Cata Tibayan para sa 24 Oras nitong Miyerkules, nagbigay ng pahayag si Ysabel tungkol sa sinasabing extra closeness nila ni Miguel.

"It's a close working relationship," ani Ysabel.

Dagdag pa niya, "Siyempre kailangan may strong working relationship para magkaroon ng chemistry on scene and its super fun working with Miguel natutuwa ako kasi we grew close working together."

Para naman sa kanyang on-screen partner na si Miguel, "Okay naman kami ni Ysabel ngayon. We're doing really good," ani ng aktor.

Bago naman mapanood bilang Steve Armstrong at Jamie Robinson sa live adaptation na Voltes V: Legacy, magpapakilig muna sina Miguel at Ysabel sa upcoming romantic-comedy series na What We Could Be kasama ang ilan pang Kapuso stars na sina Yasser Marta at Pamela Prinster.

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilan pang mga senyales na may namumuong romantic relationship sa pagitan nina Miguel at Ysabel.