Image Source: migueltanfelix_ (IG) / ysabel_ortega (IG)
TV

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, nagsimula nang mag-tape ng bago nilang serye

By Marah Ruiz
Updated On: August 31, 2022, 12:09 PM
Bukod kina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, alamin ang iba pang artista na magiging bahagi ng upcoming series na 'What We Could Be.'

Isang light drama na romantic comedy rin ang upcoming series na What We Could Be na pagbibidahan ito ng Kapuso stars at Sparkle sweethearts na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

Ito ang follow-up serye nila bago mapanood sa much-awaited live action adaptation na Voltes V: Legacy.

Nagsimula nang mag-tape para sa serye sina Miguel at Ysabel sa set ng show sa Antipolo.

Nauna nang ipinakilala ni Miguel ang kanyang karakter na si Franco sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Ayon sa aktor, ito na raw yata ang pinaka mature niyang role so far.

"Pinaka nagustuhan ko sa show na 'to, my character. Feeling ko, ito 'yung pinaka mature role na gagamapanan ko. May dark past [siya]. 'Yun lang muna," matalinhagang pahayag ni Miguel.

Masaya naman si Ysabel na makatrabaho muli si Miguel matapos ang filming nila ng Voltes V: Legacy.

"Gagawa ako ng romcom tapos with Miguel pa so masaya. It's really exciting," masayang kuwento ni Ysabel.

Bukod kina Miguel at Ysabel, bahagi din ng serye sina Yasser Marta at Pamela Prinster.

"Si Lucas dito, may pagka rebelde side siya. Ang relationship niya with his family, hindi ganoon ka okay so nahanap niya 'yung happiness niya sa isang babae at 'yun si Cynthia," paglalarawan ni Yasser sa role na gagamapanan niya.

"He's super sweet guy, very professinal and a raelly great actor," papuri naman ni Pamela sa kanyang co-star.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Samantala, silipin ang sweet pictures nina Miguel at Ysabel sa gallery na ito:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.