
Nitong March 8 sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, nagulantang sina Amy (Snooky Serna) at Sussie (Dina Bonnevie), lalo na ang kanilang mga anak, nang malaman na ang resulta ng DNA test-- totoo ngang naipagpalit ng nars noon sina Ginalyn (Barbie Forteza) at Caitlyn (Kate Valdez).
Kahit na nalaman na ni Sussie na anak niya si Ginalyn ay hindi niya pa rin ito kikilalanin dahil lumaki ito sa poder ng kanyang mortal na kaaway.
Aminado naman si Ginalyn kina Amy at Sussie na labis siyang nasaktan sa resulta ng DNA test lalo na ng ipagtabuyan siya ng tunay niyang ina dahil ayaw siyang kilalanin nito bilang tunay na anak.
Samantala, nahuli na naman ni Caitlyn sina Ginalyn at Cocoy (Migo Adecer) na nag-uusap kaya umiral na naman ang pagdududa niyang pinagtataksilan na naman siya ng dalawa kahit na ipinagbilin lang ni Ginalyn na kay Cocoy na alagaan si Caitlyn.
Huwag palampasin ang nalalapit na pagtatapos ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday ngayong linggo, tuwing 8:00 PM sa GMA-7!
Balikan ang March 8 episode highlights:
Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday: Rebelasyon sa pagkatao nina Ginalyn at Caitlyn | Episode 58
Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday: Sussie hates her real daughter | Episode 58
Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday: Ginalyn gets emotional | Episode 58
Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday: Maling hinala ni Caitlyn | Episode 58
Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday: Dinner with your mortal enemies | Episode 59