TV

WATCH: Dina Bonnevie, tinarayan daw si Barbie Forteza?

By Felix Ilaya
Updated On: February 18, 2020, 07:06 PM
Nakatikim ba si Barbie Forteza ng pagtataray mula sa 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday' co-actress niyang si Dina Bonnevie?

Present ang main cast ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday na sina Barbie Forteza, Kate Valdez, Snooky Serna, at Dina Bonnevie sa naganap na 'GMA @70: All-New Kapuso Month Primetime' event noong Miyerkules, February 5.

Dito, naka-chikahan nila ang ilan sa mga top bloggers sa bansa.

Country's top bloggers attend 'GMA @70: All-New Kapuso Month Primetime' event

Kinumusta ng mga bloggers sina Dina at Snooky kung papaano ang working relationship nila sa young actresses na sina Barbie and Kate.

Ayon kay Dina, minsan na raw siyang nagmaldita sa young co-stars niyang hindi professional katrabaho.

Nang malaman niyang makakasama niya si Barbie sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, kinabahan daw siya dahil baka makatikim rin daw ito ng mga masasakit na salita mula sa kaniya.

"Naku, baka mamaya ay pasaway 'yan, masabunutan ko 'yan.

“Baka malakihan ko 'yan ng mata [at sabihing] 'Do you mind?'

“Pero hindi. Tinitingnan ko ng una baka maldita 'to, baka malaki ang ulo, paliitin nga natin," wika niya.

Dagdag pa ni Dina na masaya at magaan raw katrabaho si Barbie.

Kamakailan ay napanood na ang unang eksena nina Dina at Barbie as Sussie and Ginalyn sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, kung saan tinapunan ni Sussie si Ginalyn ng kape.

Talaga raw naawa si Dina sa ginawa niya kay Barbie sa eksena nila.

"Sweet kasi si Barbie kaya nung binuhusan ko siya ng kape, [sabi ko], 'Direk, I don't wanna hurt her kasi she's so frail.'

'Tapos sabi niya [Barbie], 'Okay lang po kasi eksena naman.'

"But my God! Nag-iisip ako na 'Ano ba, bubuhusan ko ba talaga 'to or what? Kawawa naman.'"

Pagkatapos nga raw ng shoot na ito, naluha raw si Dina dahil sa eksena nila ni Barbie.

Muling balikan ang eksena nina Sussie at Ginalyn sa highlights ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday:

Abangan ang Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday gabi-gabi sa GMA Primetime pagkatapos ng 24 Oras.

Maaari n'yo ring mapanood ang full episodes ng paborito ninyong Kapuso Teleseryes sa www.gmanetwork.com o sa GMA Network App.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.