About the Show

Humanda na sa mas matinding bakbakan, level up na mga kalaban, at nakatutuwang mga tagpo sa ikatlong season ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Muling bibida sa naturang action-comedy series sina Ramon "Bong" Revilla Jr. at Kapuso actress Beauty Gonzalez bilang ang mag-asawang sina Bartolome "Tolome" at Gloria Reynaldo.

Magpapatuloy ang level up na aksyon at katatawanan na minahal at kinagigiliwan ng mga manonood, pati ang buhay mag-asawa nina Tolome at Gloria sa kuwento ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 3. 

Kabilang sa special guests na ipakikilala sa action-comedy series sina Leo Martinez, Jillian Ward, Faith Da Silva, Gloria Diaz, Jay Manalo, Joko Diaz, Sid Lucero, at Ryan Eigenmann.

Muli ring mapapanood sa naturang serye sina Carmi Martin, Jestoni Alarcon, Liezel Lopez, Nino Muhlach, Dennis Padilla, Maey Bautista, Raphael Landicho, at Jeffrey Tam. 

Abangan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 3 simula December 22 sa GMA. 

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.