'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' actors, puspusan ang paghahanda para sa kanilang roles sa serye
Simula June 4, mapapanood na ang pinakabagong action-comedy series ng GMA na siguradong mamahalin ng Kapuso viewers, ang 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'
Sa naganap na pictorial ng show kamakailan, nagpasalamat ang cast members sa pagiging bahagi ng nalalapit na serye. Puspusan na rin ang kanilang paghahanda para sa mga gagampanan nilang karakter sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'
Ramdam din ang excitement sa cast nang sumalang sila sa pictorial suot ang iba't ibang magagandang outfits, pati na rin ang police uniforms para sa nalalapit na serye.
Ang 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' ay pinagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.
Kabilang din sa stellar cast ng serye sina Sparkle stars Kate Valdez, Kelvin Miranda at Raphael Landicho. Mapapanood din sa action-comedy series sina Carmi Martin, Niño Muhlach, Dennis Padilla, Maey Bautista, Nikki Co, at Dennis Marasigan.
Ipinakikilala sa serye ang Kapuso actress na si Angel Leighton.Habang may special participation naman dito ang kapwa actions stars ni Bong na sina ER Ejercito, Bembol Roco, at Jeric Raval.
Silipin ang ilan sa behind-the-scenes photos mula sa naganap na pictorial ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' sa gallery na ito.
Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis
Simula June 4, mapapanood na ang upcoming action-comedy series ng GMA, ang 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,' na pinagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.
Ramon "Bong" Revilla Jr.
Gaganap si Bong Revilla bilang Major Bartolome Reynaldo, o Tolome, sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.' Ang nalalapit na serye ay ang TV adaptation ng hit film noon ng batikang aktor na mayroong parehong titulo.
Preparation
Puspusan ang paghahanda ni Bong Revilla Jr. para sa kanyang karakter na si Major Bartolome Reynaldo, o Tolome, sa action-comedy series. Kabilang dito ay ang pagwu-workout at pag-research tungkol sa comedy.
“I work out everyday-almost everyday, siguro mga 5 times a week-just to prepare for this project. Nag-research ako sa mga comedy, kailangan pa rin 'yung timing. Pero syempre 'yung experience ko noon sa 'Idol Ko si Kap,' yung mga 'Hokus Pokus' ko noon na ginawa ko na sitcom, mahuhugot ko ngayon. Kaya abangan niyo 'yung mga paputok namin na comedy,” kuwento niya sa interview ng GMANetwork.com.
Beauty Gonzalez
Bibigyang-buhay ni Beauty Gonzalez ang role bilang Gloria Reynaldo, ang matinik na misis ni Tolome. Sa panayam ni Beauty sa '24 Oras,' ibinahagi ng aktres na masaya siya sa seryeng ito dahil babalik siya sa “dating Beauty.”
Aniya, “Challenging, at the same time, masaya kasi you have to be spontaneous and natural here. Different sa drama na talagang iyakan to the max. Parang binabalik ko 'yung dating Beauty kasi du'n din ako nagsimula e, sa comedy films.”
Personal choice
Sa 'Chika Minute' report ni Nelson Canlas sa '24 Oras,' ibinahagi ni Bong Revilla Jr. na personal choice ng kanyang asawang si Lani Mercado si Beauty Gonzalez para gumanap bilang ang matinik na misis ni Tolome. Si Cavite representative Lani Mercado ang unang gumanap bilang ang matinik na misis noon sa hit film na mayroong parehong titulo.
Gloria
Bukod sa gun training, kabilang sa mga naging preparasyon ni Beauty para sa kanyang role bilang Gloria ay ang panonood ng '90s hit film na 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'
Ani Beauty sa interview ng GMANetwork.com, “Unang una, pinanood ko yung pelikula. Of course, 'yun talaga 'yung una. Pangalawa, I added a bit of flavor of it, nilalagyan ko ng kaunting Bisaya. And 'yung buhok ko pinagupit ko kaya medyo pa-Gloria na siya.”
Max Collins
Kabilang din sa lead stars ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' si Sparkle actress Max Collins, na gaganap bilang Elize Riego De Dios. Ayon kay Max, ito ang unang pagkakataon na sasabak siya sa isang action-comedy series.
“I'm super excited for the action scenes kasi hindi pa 'ko nakakagawa non. And also, magaan talaga 'yung set namin. So, masaya siya, at the same time, super maangas, super cool 'yung mga characters. Magugustuhan talaga siya ng audience,” kuwento ni Max sa interview ng GMANetwork.com.
Committed
Gaya ng kanyang kapwa lead stars, puspusan din ang paghahanda ni Max Collins para sa kanyang role bilang Elize Riego De Dios, lalo na sa pisikal na aspeto.
Kuwento ng Sparkle actress sa interview ng GMANetwork.com, “Ang mga naging preparations ko bilang Elize sa show na ito ay [gun] firing, shooting, gun training. Now, I'm working on kali. So, that's knife fighting also, and martial arts.
“Basta anything to do with action that I can get my hands on, I've been doing para lang makapag-prepare ako para sa show na ito kasi everyone's been bringing their A game, and everyone is a fighter.”
Kate Valdez
Hindi lamang pang-drama si Sparkle actress Kate Valdez dahil mapapanood na rin siya sa action-comedy series na 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.' Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Kate ang kanyang naging paghahanda para sa serye.
Aniya, “Ang preparation ko for this role is siguro kumalas sa mga drama kong roles before kasi itong show na ito sobrang light lang and kailangan kong maipakita 'yung side ko na may comedy and kailangan kong maging ready sa action.”
Kakaibang role
Hindi lamang pang-drama si Kate dahil handa na rin siya sa kanyang action scenes at sa komedya. Ayon pa sa kanya, bagong bago ang role na kanyang gagampanan ngayon kumpara sa mga naging karakter niya noon sa Kapuso shows.
Kuwento niya, “Sobrang bagong bago po ito dahil ako usually 'yung mga ginawa kong characters dati more on drama, laging masungit, kontrabida. Pero dito, expect naman natin 'yung light side ko at tignan natin 'yung comedic side ko.”
Kelvin Miranda
Kabilang sa cast ng serye si Kapuso actor Kelvin Miranda, na gaganap bilang si Gary. Siya ang nag-iisang kapatid ni Gloria na nais maging pulis gaya ni Bartolome. Lubos ang pasasalamat ni Kelvin para sa oportunidad na binigay sa kanya na maging bahagi ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'
Training
Kabilang si Kelvin Miranda sa Sparkle artists na sumabak sa matinding training sa ilalim ng elite Special Action Force ng Philippine National Police bilang paghahanda sa kanilang roles sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'
Kwento ng Kapuso star, “Mas lalong tumaas 'yung paghanga namin sa mga special forces natin dito sa Philippines kasi grabe talaga 'yung training nila. Nadala naman namin siya sa set: 'yung tindig, 'yung tamang paghawak sa baril, at saka 'yung mga fundamentals about guns and laws.”
Kelvin at Kate
All smiles sina Kelvin Miranda at Kate Valdez suot ang kanilang stylish outfits sa naganap na pictorial para sa nalalapit na serye. Tiyak na kikiligin ang mga manonood sa muling pagtatambal nina Kelvin at Kate.
Raphael Landicho
Abangan ang Kapuso child actor na si Raphael Landicho bilang ang anak nina Bartolome at Gloria sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.' Ayon kay Raphael, siya ay sobrang masaya sa pagiging bahagi ng naturang programa dahil ito ang unang pagkakataon na parte siya ng isang comedy project.
Taping experience
Ayon kay Raphael, masaya ang kanyang experience sa taping ng serye, lalo na noong binigyan siya ng regalo ng kanyang onscreen mom na si Beauty Gonzalez sa kanilang first taping day.
Carmi Martin
Handa na maghatid ng saya ang batikang aktres na si Carmi Martin. Huwag palampasin ang kanyang karakter sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'
Comedy
Looking sweet at radiant si Carmi sa kanyang outfit para sa pictorial ng nalalapit na action-comedy series.
Niño Muhlach
Mapapanood din sa nalalapit na serye ang batikang aktor na si Niño Muhlach. Abangan ang kanyang magiging karakter sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'
Dennis Padilla
Kaabang-abang din ang magiging role ng aktor na si Dennis Padilla sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'
Action
Handa na sina Bong Revilla, Nino Muhlach, at Dennis Padilla para sa mga maaksyong eksena sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.' Sa larawang ito, in character ang tatlong aktor suot ang kanilang uniporme bilang mga pulis.
Maey Bautista
Ready na ba kayo para sa saya na hatid ni Sparkle actress Maey Bautista? Huwag palampasin ang kanyang karakter sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'
Angel Leighton
Ipinakikilala ang Sparkle actress na si Angel Leighton sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.' Labis ang pasasalamat ni Angel sa Sparkle GMA Artist Center, sa GMA, at sa mga bumubuo sa naturang serye para sa role na ipinagkatiwala sa kanya.
Ready
Handang handa na si Angel sa kanyang action scenes at pag-arte dahil puspusan ang paghahanda ng aktres para sa kanyang karakter. Kabilang sa kanyang mga preparasyon ay ang acting workshops, boxing, at gun training.
“Before talaga magkaroon ako ng show, more on workshop talaga ako. Thank you kay Ms. Ana Feleo kasi pinush niya talaga ako para matuto mag-acting. Besides that, binigyan ako ng Sparkle family ng boxing and nag-[gun]firing din kami. I'm so glad sa Sparkle at sa GMA kasi binigyan nila ako ng pagkakataon para matuto at pagbutihan talaga 'yung role na ito,” kuwento niya.