walang matigas na pulis sa matinik misis
TV

Finale ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' Season 2, mapapanood na mamaya!

By Dianne Mariano
Abangan ang finale ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' Season 2 mamayang 7:15 p.m. sa GMA!

Kaabang-abang ang mga tagpo sa pasabog na finale ng well-loved Kapuso action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2, na pinagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr. at Beauty Gonzalez.

Base sa teaser na inilabas ng GMA Network sa telebisyon at online, matatapos na ang pagpapanggap dahil magtutuos na sina Major Bartolome “Tolome” Reynaldo (Bong Revilla Jr.) at Luther "Pambura" Abueva (Michael De Mesa).

Sa nakaraang episode ng serye, matatandaan na hinarap ni Tolome si Luther at sinabing ang huli ang may gawa ng pagsabog sa presinto, pati na rin sa pagkamatay ni Pretty (Angel Leighton) ngunit itinanggi ito ni Luther.

Labis naman ang sakit na naramdaman ni Style (Nino Muhlach) dahil sa pagkamatay ni Pretty at pursigido siyang mahanap ang hustisya para sa huli. Samantala, biglang nagkaroon ng kaguluhan sa sementeryo nang sugurin sila ng mga sindikato.

Nalagay sa alanganin ang buhay ni Tolome matapos niyang madiskubre ang tunay na pagkatao ni Captain Ace Catacutan (Ejay Falcon).

Huwag palampasin ang finale ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 ngayong Linggo (May 5), 7:15 p.m., sa GMA.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.