Liezel Lopez
PHOTO COURTESY: Clare Cabudil
TV

Liezel Lopez, 'very happy and very blessed' na mapabilang sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2'

By Dianne Mariano
Updated On: February 7, 2024, 05:30 PM
Isa si Sparkle actress Liezel Lopez sa mga mapapanood sa ikalawang season ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'

Noong February 4 ay nagsimula na ang much-awaited season two ng Kapuso action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na pinagbibidahan nina Bong Revilla Jr. at Beauty Gonzalez.

Isa rin sa mga mapapanood sa nasabing serye ay ang Sparkle actress na si Liezel Lopez, na gaganap bilang si Jacqueline “Jacq” Dela Torre.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Liezel, labis ang kanyang tuwa nang malaman niyang bahagi siya ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2.

“Actually sobrang saya ko. It's been a long time since the last [show] na nag-comedy ako kaya sobrang happy ako. Si Direk talaga sobrang happy siya noong sinabi niya sa akin. Actually nung season one, I was wishing na sana makasama ako kaso medyo busy pa that time.

“Noong nagkita kami ni Direk, sinabi niya na parang sayang daw hindi ako nakapag-guest. Noong sinabi na kasama ako sa season two, I'm very happy and I'm very blessed, and excited,” pagbabahagi niya.

Sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2, break muna si Liezel sa kanyang kontrabida image dahil ang ipapakita niya rito ay ang kanyang makulit at energetic side.

“Usually kasi ang mga ginagampanan ko kontrabida roles. And ngayon na lang ulit ako nakapag-comedy tapos 'yung role ko pa kailangan sobrang energetic, sobrang bibo. Okay naman, kayang kaya naman. Makulit naman talaga ako in real life so hindi naman ako masyadong nahirapan doon sa role,” aniya.

Masaya rin si Liezel na makatrabaho ang kanyang mga iniidolong artista na sina Bong Revilla Jr. at Beauty Gonzalez sa serye.

Kuwento niya, “Sobrang saya nila katrabaho. Sobrang funny lang sa set as in, parang feeling ko hindi ako nagtatrabaho at all kasi sobrang na-e-enjoy ko bawat eksena.”

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.