GMA Logo Bong Revilla Jr as Tolome in Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis
PHOTO COURTESY: GMA Network (YouTube), Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (Facebook)
What's on TV

'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' hits 11.2 percent ratings as Tolome gets framed up

By Dianne Mariano
Published August 8, 2023 4:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Bong Revilla Jr as Tolome in Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis


Maraming salamat sa patuloy na suporta sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,' mga ka-Tolome!

Talagang tinututukan ng manonood ang bawat tumitinding eksena sa high-rating Kapuso action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Sa katunayan, muling umani ng mataas na TV ratings ang nakaraan nitong episode na ipinalabas noong August 6. Nakapagtala ng 11.2 percent na ratings ang 10th episode ng seryeng pinagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins, ayon sa NUTAM People Ratings.

Sa nasabing episode, matatandaan na nakilala ni Tolome (Ramon “Bong” Revilla Jr.) at ng iba pang kapulisan ang bagong hepe na si Colonel Galang (Al Tantay), na pumalit sa yumaong si Chief Lorenzo (Dennis Marasigan).


Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Brainwash Inc., mayroong itinumbang pulis?

Inaalam ng police department ang taong nagngangalang Ulysses Marasigan, o “Backbone,” isang miyembro ng Brainwash Inc., dahil sangkot ito sa gun smuggling. Isang unknown number naman ang tumatawag kay Tolome.

Pumunta naman si Elize (Max Collins) sa pamamahay ni Tolome at muntik na siyang mahuli ni Tiya Lucing (Carmi Martin) na may binabalak na masama sa asawa ni Gloria (Beauty Gonzalez).

Sa pag-uusap nina Tiya Lucing at Gloria, sinabi ng una sa huli na huwag siyang magtitiwala kay Elize dahil pinaghihinalaan niya itong may affair sa asawa ng kanyang pamangkin.

Nagsagawa naman ng undercover operation ang team ni Tolome sa isang restaurant at muling tumawag sa kanya ang unknown number. Hindi nagtagumpay ang undercover operation nina Tolome dahil biglang dumating sina Tiya Lucing at inakalang si Elize ang kasama ng una pero si Patrolwoman Pretty Competente (Angel Leighton) pala ito.

Matapos ang nangyari, sinabi ni Gloria kay Tiya Lucing na magbakasyon muna ito sa probinsya. Nagluksa naman ang pamilya ni Tolome matapos malaman ang balitang nasawi si Tiya Lucing sa sinasakyan nitong bus papuntang probinsya ngunit nagulat sila nang makitang bumalik ang huli sa kanilang bahay at buhay na buhay pa.

Samantala, inakusahan ni Colonel Galang na mayroong koneksyon si Tolome sa Brainwash Inc. base sa phone call logs nito. Natuklasan din ni Tolome na siya ay nape-frame up dahil mayroong naglagay ng mga baril at bala sa kanyang sasakyan upang mapahamak ito.

Patuloy na subaybayan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis tuwing Linggo, 7:15 p.m., sa GMA.