Crystal Paras
Source: crystalparas IG
TV

Crystal Paras shares her biggest preparation for 'Voltes V: Legacy'

By Jansen Ramos
Bakit kaya naunahan ng takot si Crystal Paras no'ng magsimula na siyang maghanda para sa 'Voltes V: Legacy'?

Early 2021 pa pala alam ng Sparkle star na si Crystal Paras na kabilang siya sa inaabagangang Voltes V: Legacy.

Kahit nakasama na sa isang leg ng lock-in taping ng series, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang parte siya ng cast nito.

"I think until ipalabas siya, do'n pa lang magsisimulang mag-sink in kasi ito 'yung biggest offering ng GMA if I'm not mistaken and bago lang po ako kung tutuusin, and it's going to be an honor to be with more veterans from our network and, of course, si Direk Mark (Reyes)," pag-amin ni Crystal sa panayam sa isang virtual interview.

Ang kanyang co-stars, partikular na ang lead stars na miyembro ng Voltes 5 team na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores at Matt Lozano ay nag-training para sa kani-kanilang roles sa Voltes V: Legacy.

Puspusan din ang pag-eensayo ng kapwa supporting cast members ni Crystal na sina Angela Alarcon, Sophia Senoron at Elle Villanueva sa basic gun handling and shooting para sa kanilang maaaksyong eksena.

Pinaghahandaan din ni Crystal ang kanyang role sa live-action adaptation ng '70s anime sa pamamagitan ng weight at core training.

Sa kabila ng excitement, inamin ni Crystal na pressured siya sa task na ibinigay sa kanya sa Voltes V: Legacy.

Kuwento ng baguhang aktres, "Nasabihan ako na I should be having fun. Parang nakain ako ng takot ko which never really happened to be honest kahit na sobrang anxious ako palagi, never ako nagkagano'n.

"Tapos na-realize ko na na-overwhelm ako. It did not sink in. The production is bigger than I imagined. Grabe siya, the set was out of this world.

"It's very different from the productions I've been in and from the shows I guested in. This is totally different.

"And tingin ko 'pag napanood na ng tao, maiintindihan nila kung bakit gano'n kami ka-hype 'pag nag-e-explain nang ganito."

Kaya sa muli niyang pagsabak sa taping, mas pagtutuunan daw niya ng pansin ang kanyang mental stability.

Ani Crystal, "The most important preparation is magkaroon man lang ako ng sense of bilib sa sa sarili ko kasi kung 'di ko pinaniniwalaan 'yung sarili ko, kakainin na naman ako ng takot ko, ng anxiety ko, and [it would] spiral out [of control] from here."

Malaking tulong daw ang pagme-meditate para maka-develop siya ng mindfulness sa set.

"Kilala ko na 'yung sarili ko so I focus on the meditation, just breathing exercises. It works for me po kasi and it raises my awareness and it calms me down para mas madali akong maka-memorize ng script, mas madali akong makapag-focus 'pag kinakausap ako in person."

Ayon pa kay Crystal, mahalagang alagaan ang sarili hindi lang sa pisikal na aspeto.

"Everything goes hand in hand 'tsaka domino effect po siya. Once you are prepared from head to toe, from down to up, it will reflect sa trabaho mo when you're on set."

Pressured man, patunay lang daw ito na napakalaki ng produksyon ng Voltes V: Legacy na dahilan kung bakit dapat itong panoorin ng mga manonood.

"Parang iniisip ko, kung ako grabe na 'yung pressure ko, paano na lang 'yung Voltes 5 team namin mismo. I'm sure there so much pressure in everyone's hands and it's just exciting to be part of something like this and I'm excited na makita po lahat ng tao kung ano 'yung mga pinaghihirapan namin ngayon."

Ang Voltes V: Legacy ay mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero at sa direksyon ni Mark Reyes.

Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng Toei Company, ang Japanese production company na nag-produce ng Voltes V, at Telesuccess Productions, Inc., ang licensing company ng Toei sa Pilipinas.

Samantala, narito ang kumpletong listahan ng mga artistang kabilang sa highly-anticipated series:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.