voltes v vs dokugaga
TV

'Voltes V: Legacy' fans, inaabangan na ang laban nina Voltes V at Dokugaga ngayong gabi!

Huwag palampasin ang unang laban ni Voltes V sa isang Boazanian beastfighter sa 'Voltes V: Legacy' ngayong Martes, May 23, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.

Mapapanood na ngayong gabi, May 23, ang inaabangang bakbakan nina Voltes V at Dokugaga sa pinag-uusapang action-packed GMA primetime drama na Voltes V: Legacy.

Sa inilabas na teaser ng programa, ipagpapatuloy ang laban ng dalawang super robot.

Ito ang unang laban ni Voltes V sa isang beastfighter na pinadala ng Boazan para maghasik ng lagim sa planetang Earth at sakupin ito.

Marami na rin ang nagpahayag ng kanilang excitement online sa colossal battle na ito na matutunghayan na matapos ang dalawang linggo simula nang mag-premiere ang Voltes V: Legacy sa telebisyon.

Subaybayan 'yan sa Voltes V: Legacy weeknights, alas-8 ng gabi sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.

KILALANIN ANG ANG UNANG BEASTFIGHTER NA KAKALABANIN NG VOLTES V SA GALLERY NA ITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.