
Malapit nang mapanood ang pinakahihintay na unang laban ng Voltes V team sa Boazanian beastfighter sa pinag-uusapang action-packed drama gabi-gabi na Voltes V: Legacy.
Sa unang episode ng GMA Telebabad series, ipinakilala ang unang malakas na armas-pandigma na binuo ng humanoid aliens mula Boazania para sakupin ang planetang Earth. Ito ay si Dokugaga, na kulay berde ang katawan at may pakpak na tila sa gamu-gamo. Tulad ng Boazanians, may dalawang sungay rin ang nasabing beastfighter.
Gagamit ang Voltes V team ng isang matinding sandata para mapatumba ang halimaw sa pagpapatuloy ng kanilang bakbakan na ipapalabas na ngayong linggo.
Marami na ang nakaabang sa paghaharap nina Voltes V Dokugaga dahil isa ito sa iconic scenes ng classic Japanese anime na Voltes V na muling isinabuhay ng Voltes V: Legacy.
Isa na riyan ang Volt In Sequence, kung saan nagdikit-dikit ang limang ultra elektromagnetikong armas na binuo ng Camp Big Falcon at kino-kontrol nina Steve, Mark, Big Bert, Jamie, at Little Jon para maging isang malakas na sandata kontra sa ipinadalang beastfighter mula Boazan.
Patuloy na subaybayan ang Voltes V: Legacy mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng gabi sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.
KILALANIN ANG PA ANG UNANG BEASTFIGHTER NA KAKALABANIN NG VOLTES V SA GALLERY NA ITO: