Manilyn Reynes
TV

Manilyn Reynes, sinabing 'astig' ang 'Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience'

By Jansen Ramos
Maging ang ina ni Manilyn Reynes ay 'super cry' sa 'Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience.'

Napatunayan ni Manilyn Reynes ang mga bali-balita tungkol sa Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience nang siya mismo ang nakapanood ng pinag-uusapang pelikula sa big screen.

"Uso pa po ba ang salitang 'to? Sana uso pa, kasi ito po talaga ang masasabi namin sa Voltes 5 Legacy e. “ASTIIIIGGGG!!!“" papuri ng Pepito Manaloto star sa Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience.

Binati rin ni Manilyn ang mga tao sa likod ng palabas na sina Voltes V: Legacy director Mark Reyes, GMA Network Senior Vice President for Entertainment Lilybeth Gomez-Rasonable, at ang buong GMA Network na pinagkagastusan ang big project.

"Congratulations sa lahat ng gumanap at bumubuo ng palabas na ito. Congratulations po, @direkmark , Ms. @ligoras @gmanetwork Nakaka-proud!"

Kasama ni Manilyn na nanood ng Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience sa sinehan ang kanyang asawa na si Aljohn at kanilang tatlong anak na sina Kyle, Kirk, and Kael na may kanya-kanyang reaksyon sa movie version ng live-action adaptation series ng classic Japanese anime na Voltes V.

"Si Aljohn, sabi “ganyang-ganyan ang shots noon!“ Tapos react nang react sa bawat eksena. Nakakatuwa siyang tingnan

"Sinasabayan namin ang song at nakiki-sigaw ng “LET's VOLT IN“ tuwing sinasabi nila. Parang namaos yata kami, haha

"Ang mga bata namangha rin. “COOL!“, sabi nila "

Isinama rin nila sa kanilang movie date ang ina ni Manilyn na si Louching na aniya'y "super cry" nang mapanood ang Voltes V: Legacy--isang patunay na pwede for all ages ang programa.

"Panoorin niyo po sa sinehan, at siyempre simula May 8, sa KAPUSO NETWORK GMA 7 na!," pagatatapos ni Manilyn.

Due to popular demand, extended ang pagpapalabas ng Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience hanggang May 2 sa piling sinehan.

Maaari itong mapanood sa mga sumusunod na SM Cinema branches:

SM Aura
SM BF Parañaque
SM CDO Downtown
SM Clark
SM Dasmariñas
SM Davao
SM East Ortigas
SM Fairview
SM Grand Central
SM Legazpi
SM Mall of Asia
SM Manila
SM Marikina
SM Megamall
SM North EDSA
SM Olongapo Central
SM Seaside
SM Southmall
SM Sta. Mesa
SM Telabastagan



Maaaring bumili ng Voltes V Legacy: The Cinematic Experience ticket sa SM Cinema ticket counters, SMCinema.com, o SM Cinema app.

Magpe-premiere sa free TV ang Voltes V: Legacy sa May 8, 8:00 p.m, sa GMA Telebabad.

Magiging available din ito sa GTV sa oras na 9:40 ng gabi.

NARITO ANG IBA PANG CELEBRITIES NA NAMANGHA RIN SA VOLTES V: LEGACY: THE CINEMATIC EXPERIENCE:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.