5 signs na destined sina Isagani at Lynette para sa isa't isa
Marami ang tumututol sa pag-iibigan nina Isagani at Lynette, ang characters na ginagampanan nina Kapuso actors Elmo Magalona at Janine Gutierrez sa GMA Afternoon Prime soap na Villa Quintana.
Sa gaganaping live chat bukas, January 9, Thursday, 3 to 5pm (Philippine time) via GMANetwork.com, isi-share ng nakakakilig na tambalan nina Elmo at Janine pati na rin nina Juancho Trivino, Mikoy Morales at Rita de Guzman ang mga kuwento sa likod ng Afternoon Prime soap. Maglog-on sa link na ito: http://GMANetwork.com/livechat.
Sa Villa Quintana, pilit na ipinaglalayo sina Isagani at Lynette dahil sa away na namamagitan sa kanilang mga pamilya. Pero kahit ano’ng gawin ng mga hindi sang-ayon sa kanilang pagmamahalan, mismong pag-ibig na ang gumagawa ng paraan para magkalapit sila.
Narito ang five signs na magpapatunay na itinadhana sina Isagani at Lynette para sa isa’t isa.
Kahit halos langit at lupa ang pagitan nila dahil sa mayaman ang pamilya ni Lynette, naging magkaibigan sina Isagani at Lynette noong bata pa lamang sila. Pareho nga sila ang birthday, e.
Paborito ng simpleng batang si Isagani at ng may pagka-tomboy na si Lynette ang mamasyal sa bukid, tumambay sa burol at maglaro sa isang haunted house.
Sa scene na ito ay malungkot na nag-uusap ang dalawa dahil kapwa nila hindi nararamdaman na mahal sila ng kanilang mga ina. Bata pa lang ay takbuhan na nila ang bawat isa tuwing sila ay may problema sa pamilya.
“Bakit kaya galit sa atin ang mga nanay natin?” ang pareho nilang tanong.
“I guess this is goodbye, Isagani.”
“Paalam, Lynette.”
Saksi ang burol ng San Isidro sa higpit ng yakap at daloy ng mga luha nina Lynette at Isagani. Akala nila ay hindi na sila magkikita kailanman.
Nalaman noon ng mga Quintana na madalas silang magkasama kaya’t nagdesisyon si Don Manolo na ilayo si Lynette at ipadala sa Maynila para doon na mag-aral.
Pero bago makaalis si Lynete sa San Isidro, tila pinagtagpo na naman sila ng tadhana dahil nagkrus ang landas nila ni Isagani. Sa dami ng madaraanan ng kotse na sinasakyan ni Lynette, bakit kaya sa kalsada pa na nagba-bike noon si Isagani? Sa pag-aakalang iyon na ang huli nilang pagkikita, pinagsawa nina Lynette at Isagani ang kanilang mga mata sa pagtitig sa isa’t isa.
Sa Maynila na nga tumira si Lynette at doon na siya mag-aaral. Itong si Isagani naman, habang nagmumukmok nang mawalay sa minamahal ay nabuhayan ng loob nang matanggap ang sulat na nagbalita sa kanya na nakakuha siya ng scholarship sa isa sa mga magagandang eskwelahan sa Maynila, ang Maharlika State University, na hindi niya alam ay siya ring school ni Lynette.
Sa sobrang dami ng colleges at universities sa Maynila, bakit kaya sa Maharlika State University nag-enroll si Lynette? Ginawan na naman ba ito ng paraan ng tadhana?
Kahit pareho sila ng school, hindi agad nagkita sina Isagani at Lynette.
May near misses pa sila: Nagpa-deliver sina Lynette at kanyang study buddies ng pizza sa pizza parlor na pinagtatrabahuan ni Isagani pero hindi nakita ni Lynette si Isagani nang dalhin nito ang pizza. Minsan naman, magkatabi na sila sa may message tree pero hindi man lang nila napansin ang isa’t isa. Muntik na rin silang magkabanggaan sa hallway.
Nang sa wakas ay nagkita sila sa school ay doon sila umupo sa tabi ng message tree na pinaghuhulugan nila ng sulat.
Nang ihuhulog na nila ang kanilang mga sulat, nagulat na lamang sila nang malamang silang dalawa pala ang nagsusulatan. Si Isagani pala si Promdi, ang sinusulatan ni Lynette, na gumagamit naman ng pangalang Manila Girl.
Dahil sa iisang school lang nag-aaral sina Isagani at Lynette, may pagkakataon talagang magkakasalubong sila. Laking gulat na lang ng dalawa nang malamang pareho pala sila ng classroom. Bukod pa rito, may kaisa-isang upuan na kulay pula na inuupuan ni Lynette sa classroom. Iyon din pala ang inuupuan ni Isagani.
Sa huli, kahit maraming beses nang ipinaghiwalay sina Isagani at Lynette ay sisiguraduhin pa rin ni Kupido na pagtatagpuin sila. Kung kakampi pala ng dalawa ang kapalaran, may makakapigil pa ba sa kanilang pag-iibigan?
Patuloy na subaybayan kung paano ipaglaban nina Isagani at Lynette ang nararamdaman nila para sa isa’t isa sa Villa Quintana, weekdays after Eat Bulaga on GMA Afternoon Prime.
- Text by Al Kendrick Noguera, GMANetwork.com