What's on TV

3 tanong na masasagot sa pagwawakas ng 'Villa Quintana'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 17, 2020 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Narito ang tatlong tanong na bibigyang-sagot sa pagwawakas ng teleseryeng pinagbidahan nina Kapuso actors Elmo Magalona at Janine Gutierrez.
By AL KENDRICK NOGUERA

Pagkatapos ng halos pitong buwan mula nang mag-umpisa ang Afternoon Prime soap na Villa Quintana ay magwawakas na ito bukas.

Narito ang tatlong tanong na bibigyang-sagot sa pagwawakas ng teleseryeng pinagbidahan nina Kapuso actors Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

1. Wala na bang hahadlang pa sa pagmamahalan nina Isagani at Lynette?



Maraming pinagdaanang pagsubok sina Isagani at Lynette. Bata pa lamang sila ay pilit silang ipinaglayo ng kanilang mga pamilya. Pero ngayong tanggap na ang kanilang pagmamahalan ng mga taong nakapaligid sa kanila, mayroon pa bang hahadlang sa pagsasama nila?

2. Matatanggap ba ni Lumeng si Robert bilang ama ni Isagani?



Ngayong wala na si Felix, mawawalan na ng kinikilalang ama si Isagani. Dahil din dito ay nawalan na rin ng katuwang si Lumeng sa buhay. Magagampanan ba ni Robert ang responsibilidad niya bilang tunay na ama kay Isagani? Papayag ba si Lumeng sa muling pagpasok ni Robert sa buhay nila ng kanyang anak?

3. Magkakasundo pa ba ang mga Samonte at mga Quintana?




Sa mahabang panahon ay naging mortal na magkaaway ang mga Samonte at mga Quintana. Nagsimula ito nang magmahalan sina Robert at Lumeng na tinutulan ni Don Manolo. Ngayong wala na si Don Manolo, mayroon pa bang chance na magkaayos ang dalawang pamilya?

Lahat ng tanong na iyan ay masasagot na bukas sa pagwawakas ng Villa Quintana, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.