Maraming mga diyos ang hindi makakaligtas sa nakatadhanang Ragnarok—ang katapusan ng lahat—at isa na rito si Thor.
Bago siya mamatay, ibibilin niya sa kanyang anak na si Magni na itago ang kanyang Mjolnir hanggang may dumating na karapatdapat na magmana nito.
Tutungo si Magni sa mundo ng mga tao para hintayin ang nilalang na magiging bagong tagapangalaga ng Mjolnir.
Dito niya makikilala si Victor Magtanggol, isang OFW na nasa Canada para hanapin ang kanyang nawawalang ina. Ibibigay niya sa binata ang compass na magtuturo ng kinalalagyan ng makapangyarihang sandata ni Thor.
Hindi naman matanggap ni Modi, isa pang anak ni Thor, na hindi siya ang magiging tagapagmana ng sandata. Dahil dito, pinaplano niyang nakawin ang Mjolnir mula kay Victor.
Samantala, nakaligtas din pala mula sa Ragnarok si Loki at sa mundo ng mga tao naman siya magpapalaganap ng kaguluhan.
Kailangang matutunan ni Victor na gamitin ang Mjolnir para protektahan ang mundo at ang kanyang mga mahal sa buhay mula sa banta nina Modi at Loki.
Sa tulong ni Magnus at dating asawa ni Thor na si Sif, yayakapin ni Victor ang kanyang tadhana bilang bagong tagapangtanggol habang nananatiling tapat sa kanyang sarili bilang isang huwarang miyembro ng pamilya at mabuting mamamayang Pilipino.