What's on TV

Luri Vincent Nalus, may mensahe kay Andrea Torres sa pagtatapos ng 'Victor Magtanggol'

By Marah Ruiz
Published November 19, 2018 6:52 PM PHT
Updated November 19, 2018 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Sa kanilang ikatlong show, masaya ang character actor na si Luri Vincent Nalus na nakasama niya muli ang sexy Kapuso star na si Andrea Torres. Basahin ang kanyang mensahe para sa aktres sa pagtatapos ng kanilang telefantasya series.

Masaya daw ang character actor na si Luri Vincent Nalus na mapasama sa GMA Telebabad superhero series na Victor Magtanggol.

Bukod kasi sa pagiging bahagi ng malaking proyekto, ito pa ang pangatlong beses na nakatrabaho niya si Andrea Torres.

Sa Victor Magtanggol, gumanap si Luri na cameraman ni Gwen (Janine Gutierrez). Dati na silang nagkatrabaho ni Andrea sa season one at two ng isa pang GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood.

Nagbigay naman ng mensahe si Luri sa kanyang "classmate" na si Andrea sa pagtatapos ng kanilang telefantasya series.

"Classmate @andreaetorres pangatlong show na nten nag kasama classmate at hindi ka pa din nag babago, ingat kayo palagi nila mommy salamat sa chikahan at sa pag kakaibigan hanggang sa muli Miss Venus este! Mahal na diosa Sif ," sulat niya sa kanyang Instagram account.

Classmate @andreaetorres pangatlong show na nten nag kasama classmate at hindi ka pa din nag babago, ingat kayo palagi nila mommy salamat sa chikahan at sa pag kakaibigan hanggang sa muli Miss Venus este! Mahal na diosa Sif 😊😊😊😊

Isang post na ibinahagi ni luri vincent nalus (@lurivincent) noong

Naging mainit din ang pagtanggap ng netizens sa finale ng show. Naging top trending topic pa ng Twitter Philippines ang official hashtag nitong #VMTheHeroicFinale.

Balikan ang ilang mga eksena mula finale ng superhero series na Victor Magtanggol.