What's on TV

EXCLUSIVE: Alden Richards, may bagong kalaban sa 'Victor Magtanggol'

By Marah Ruiz
Published October 15, 2018 12:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rain over Luzon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Mananatili pa rin daw na exciting at puno ng aksyon ang upcoming episodes ng GMA Telebabad series na 'Victor Magtanggol' ayon sa lead star nitong si Alden Richards.

Mananatili pa rin daw na exciting at puno ng aksyon ang upcoming episodes ng GMA Telebabad series na Victor Magtanggol ayon sa lead star nitong si Alden Richards.

"Ngayon kasi mawawala na si Loki sa landas ni Hammerman. Handa na siyang i-give up 'yung pagiging superhero at bumalik sa normal niyang buhay," pahayag ng aktor sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

"Pero merong bagong laban at kalaban na paparating. Abangan n'yo kung sino 'yun," dagdag pa nito.

Matatandaang nagapi na si Loki (John Estrada) matapos magtulungan nina Victor, Modi (Pancho Magno) at Sif (Andrea Torres).

Pero tila nakikitaan ng kasakiman si Modi matapos niyang makuha ang mjolnir. Siya na kaya ang bagong kalaban ni Victor?

Abangan ang susunod na episodes ng Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.