
Sa isang interview sa Tonight With Arnold Clavio (TWAC), nagbigay ng advice si Marian Rivera kay Alden Richards na ngayon ay gaganap bilang isang superhero sa telefantasya series na Victor Magtanggol.
Aniya, "The mere fact na nabigyan ka ng trabaho ng GMA, at binigay sa 'yo ang title role, ibig sabihin hindi mo sila dapat biguin. So, just be yourself. Gawin mo lang."
Si Marian Rivera ay gumanap din bilang isang superhero sa Super Ma'am. Nagkatrabaho rin sina Alden at Marian sa romantic drama na Carmela.
Kuwento ng Kapuso Primetime Queen, "Kasi alam naman natin kapag trabaho [okay si Alden], and knowing Alden, nakatrabaho ko si Alden, 100% magtrabaho 'yan."
Panoorin ang interview ni Alden sa TWAC dito:
Video courtesy of GMA Public Affairs