GMA Logo kate valdez in Unica Hija
What's on TV

'Unica Hija' makes a strong viewership on its pilot week

Published November 14, 2022 1:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

kate valdez in Unica Hija


Trending na, nangunguna pa sa TV ratings ang pilot week ng mapangahas na GMA afternoon drama series na 'Unica Hija' na may konsepto ng human cloning.

Mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa bagong sinusubaybayang GMA Afternoon Prime series na Unica Hija na nag-premiere noong November 7.

Nakakuha ang trending pilot episode ng family drama ng rating na 7.2 percent base sa preliminary/overnight data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Sa madaling salita, nakatala ng mas mataas na TV rating ang Unica Hija kumpara sa katapat na dalawang programa nito na ipinalabas sa iba't ibang istasyon na nakakuha ng parehong rating na 00.6 percent noong nakaraang Lunes. November 7.

Consistent pa rin ang TV ratings ng Unica Hija sa mga sumunod na episode na ipinalabas noong November 9 at November 10 na parehong nakakuha ng 8.3 percent na mas mataas na kumpara sa mga kalabang programa.

Sa nasabing episodes na ipinalabas noong nakaraang Miyerkules at Huwebes, napanood ang pag-aagaw buhay ni Bianca (Kate) matapos mahulog sa bangin. Hindi nagtagal, namatay din si Bianca sa ospital. Dahil dito, sinisi ni Diane (Katrina Halili), ina ni Bianca, sa asawa niyang scientist na si Dr. Christian ang pagkamatay ng kanilang unica hija.

Hanggang sa huling araw ng pilot week ng Unica Hija, nag-umapaw ang suporta sa dramang mapangahas ang tema.

Nakakuha ng 7.5 percent rating ang November 11-episode nito kung saan napanood ang pagbuo ni Christian ng isang human clone, na may kaparehas na DNA ng kanyang anak na si Bianca.

Sa matagumpay na eksperimento ni Christian, ano kaya ang magiging kapalaran ng clone ni Bianca?

Iyan ang dapat alamin sa Unica Hija na mapapanood weekdays, 3:25 p.m., pagkatapos ng Abot Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.

Ang livestreaming ng serye ay available sa official Facebook page ng GMA Network.

Kung ma-miss mo man ang Unica Hija, maaaring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

TINGNAN ANG MASAYANG SET NG 'UNICA HIJA' SA GALLERY NA ITO: