boboy garrovillo in unica hija
TV

Boboy Garrovillo, mapapanood sa bagong teleserye matapos ang 'First Lady'

By Jansen Ramos
Gaganap si Boboy Garrovillo na ama ni Katrina Halili at lolo ni Kate Valdez sa GMA Afternoon Prime series na 'Unica Hija'.

May bagong karakter na namang mamahalin ang singer-actor na si Boboy Garrovillo matapos gumanap na Tatay Florencio sa hit primetime series na First Yaya at sa sequel nitong First Lady.

Mapapanood siya sa bagong teleseryeng Unica Hija, na ipapalabas na sa Lunes, November 7, sa GMA Afternoon Prime.

Dito ay bibigyang buhay ni Boboy ang papel na Waldo, ang ama ni Diane (Katrina Halili) at lolo ni Bianca (Kate Valdez).

Ayon kay Boboy, hindi naman nalalayo ang role niya sa First Yaya sa role niya sa Unica Hija bilang siya ang magpapagaan ng loob ng kanyang anak na si Katrina na aniya'y itinuturing niyang "Unica Hija" sa serye.

"'Yung sa 'kin 'di masydong pinabigat kasi si Katrina napakabigat na ng ginagawa n'ya. 'Di ko naman sinasabayan 'yung kabigatan [ng role] ni Katrina. Basically, pag-aalalay lang ng isang ama sa namomroblemang anak.

"Basta ang pinasok ko lang sa utak ko kung kay Katrina, ang unica hija niya ay si Bianca, sa 'kin, siya ang aking unica hija. 'Yung pagmamahal sa isang unica hija, pareho nang ibinibigay ko sa kanya sa binibigay n'ya kay Bianca so 'yun lang 'yung mine-maintain ko na character talaga," bahagi ni Boboy sa virtual media conference ng bagong show noong October 25.

Ang Unica Hija ang reunion project nina Boboy at Katrina na huling nagkatrabaho sa 2007-2008 Pinoy adaptation ng Mexicanovela na Marimar.

Samantala, grateful si Boboy na nabigyan siya ng kasunod na proyekto sa TV sa kabila ng paglie low sa pagkanta.Sa nasabing media conference din niya sinabi na imposibleng magkaroon ng reunion ang grupo nila nina Jim Paredes at Danny Javier na APO Hiking Society dahil nasa Australia si Jim at hindi maganda ang kondisyon ni Danny, na binawian na ng buhay nito lamang October 31.

Gayunpaman, tumatanggap naman daw minsan sina Boboy at Jim ng private gig invitations.

Samantala, mapapanood si Boboy sa Unica Hija simula Lunes, November 7, 3:25 p.m. sa GMA.

NARITO ANG PASILIP SA BAGONG SERYE:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.