Bata pa lang, fascinated na sa science si Christian (Alfred Vargas). He is a genius at nagmula sa mayamang angkan kaya suportado siya ng mga magulang para lalong ma-develop ang kanyang kaalaman.
Sa kabila nito, hindi magiging madali ang buhay para kay Christian dahil lagi niyang iniisip na hindi siya tulad ng iba.
Magbabago ang lahat nang dumating sa buhay niya si Diane (Katrina Halili). Dahil sa kanya, matututunan ni Christian kung paano maging masaya muli.
Ikakasal sila at susumpa si Christian na mamahalin niya ang kanyang asawa at ang magiging anak nila, si Bianca (Kate Valdez).
Ibibigay ni Diane ang lahat upang alagaan ang kanyang pamilya.
Siya ay mapagmahal, tulad din ng kanyang ina sa kanya noon. Pero si Diane, mas magiging protective sa kanyang anak. Takot na takot kasi siyang may masamang mangyari kay Bianca. Mahal na mahal niya ito na halos sa anak na niya umiikot ang kanyang mundo.
Ngunit sa paglipas ng panahon, babaguhin si Christian ng sobrang passion niya sa genetic engineering, lalo na noong simulan niya ang proyekto tungkol sa cloning.
Dahil sa sobrang dedikasyon sa kanyang proyekto, mawawalan na siya ng oras sa kanyang pamilya. Mapapabayaan na niya ang kanyang asawa at anak.
Mangangako si Christian na babawi sa kanyang asawa at anak, ngunit isang trahedya ang magaganap.
Will Christian be able to clone his own daughter?