Snooky Serna
Source: snookysernaofficial/IG
TV

Snooky Serna pinuri ang 'Underage' co-stars: 'Very professional'

By Kristian Eric Javier
Ano ang masasabi ng original 'Underage' star na si Snooky Serna sa mga bagong bida ng serye?

Walang ibang masabi ang veteran actress na si Snooky Serna kundi papuri sa Underage co-stars niya na sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes. Inilarawan niya ang tatlo bilang “good choices” para sa kani-kanilang roles dahil sa pagiging “very humble, always on time, and very professional.”

“Wala akong masabi sa dun sa tatlong bata. They are all so kind, they're very generous and sa acting po, when we're acting together, very cooperative po 'yung mga bata,” saad ni Snooky sa panayam ni Lhar Santiago sa Chika Minute.

Dagdag pa nito, “They're fun to be with on the set.”

Gumaganap si Snooky sa serye bilang si Velda Gatchalian, ang asawa ni Dominic Gatchalian na ginagampanan naman ni Christian Vasquez.

Sa naunang interview kay Snooky, pinuri na rin niya ang galing ng tatlo sa pag-arte, at sinabing “they will go places talaga.”

“Nakikita ko kasi 'yung determination nila to do good in their craft. Una sa lahat, they love their job, they love acting, they love what they're doing, they have discipline, they have a sense of responsibility, and also they're very humble,” dagdag pa nito.

Matatandaan na naging bahagi si Snooky ng orihinal na Underage, isang pelikula na ipinalabas noong 1980. Dito hango ang kasalukuyang GMA serye. Sa direksyon ni Joey Gosiengfiao, nakasama ng aktres sina Dina Bonnevie at Maricel Soriano sa nasabing pelikula.

Binalikan ni Snooky ang sarili niyang karanasan sa pelikula, “Naisip ko, 'Parang kailan lang, ako 'yung underage at inaapi kami ni Tita Bella Flores. Ngayon, ako na 'yung kontrabida, ako na si Bella Flores.”

At dahil iisa ang karakter niya noon at ni Elijah sa bagong serye, pinaalalahanan niya ang dalaga tungkol sa role na gagampanan nito.

“Sabi ko, 'Yung role mo, mas mabigat, mas challenging 'yung role mo ngayon,'” sabi nito.

Samantala, nagluluksa pa rin si Snooky sa pag-panaw ng nakababata at nag-iisa niyang kapatid na si Anton Serna. Ang dating aktor ay namatay noong Disyembre 2022.

“Napaka-bait po ng diyos. Binibigyan po ako ng lakas ng Panginoon to accept the fact that my brother has moved on to a better place,” sabi nito.

KILALANIN ANG MGA BIDA SA 'UNDERAGE' DITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.