Notable scenes from Unbreak My Heart
Talaga namang pinag-usapan ng mga manonood ang 2023 drama series na 'Unbreak My Heart.'
Napanood dito ang lead stars na sina Joshua Garcia bilang si Renz, Gabbi Garcia bilang si Alex/Xandra, Richard Yap bilang si Matt, at Jodi Sta. Maria bilang si Rose.
Sa huling gabi ng naturang serye ngayong Huwebes, November 16, balikan ang mga eksenang tumatak sa mga manonood.
Silipin ang ilang mga eksenang nagpaluha, nagpagigil, at nagpakilig sa viewers ng 'Unbreak My Heart' sa gallery na ito.
Crime
Isa sa mga hindi malilimutan ng viewers ay ang pagkakabaril nina Renz, Alex/Xandra, at Rose habang sila ay nasa isang airport, na isa sa mga importanteng eksena sa buong serye.
Switzerland
Kabilang sa sinubaybayan ng mga manonood ay ang unang pagtatagpo nina Renz at Rose (Joshua Garcia and Jodi Sta. Maria) sa Switzerland.
Relationship
Labis na nagdala ng kilig sina Renz at Rose nang maging magkarelasyon sila habang hinahanap ng huli ang kanyang anak na si Alex/Xandra.
Proposal
Tumatak din sa mga manonood ang wedding proposal ni Alex/Xandra kay Franco (Jeremiah Lisbo).
Rejected
Ilang manonood ang hindi napigilang maluha nang matunghayan nila ang pag-reject ni Franco sa alok na kasal ni Alex/Xandra.
Rose and Vangie
Intense na mga tagpo ang natunghayan nang malaman ni Vangie (Eula Valdes) ang tungkol sa relasyon nina Renz at Rose.
Kitchen scene
Ginulat nina Joshua Garcia at Gabbi Garcia ang viewers nang ipalabas sa serye ang pinakainabangang kitchen scene.
Natunghayan dito ang intense kissing at sweet moments ng kanilang mga karakter na sina Renz at Alex/Xandra.
Parents
Sinubaybayan din ng viewers ang muling pagkikita ng mga magulang ni Alex/Xandra, ang former partners na sina Matt at Rose.
Lily
Wedding
Revelation
Sa mismong wedding day nina Renz at Alex/Xandra, ipinahiya ng huli ang una sa pamamagitan ng pagbunyag ng sikreto tungkol sa nakaraan nila ni Rose.
Renz and Alex's pregnancy
Revenge
Napanood sa serye ang pambubugbog ni Renz kay Franco matapos malaman na ang huli ang may kasalanan kung bakit nakunan si Alex/Xandra.