Maey Bautista for unbreak my heart
TV

Maey Bautista, may paboritong scene sa 'Unbreak My Heart'

By EJ Chua
Labis na humanga si Maey Bautista sa 'Unbreak My Heart' lead stars na sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.

Lubos na ipinagpapasalamat ni Maey Bautista ang pagkakabilang niya sa star-studded cast ng drama series na Unbreak My Heart.

Sa finale media conference ng Unbreak My Heart, ibinahagi ni Maey ang isa sa mga paborito at hindi niya malilimutang eksena at experience sa serye.

Pagbabahagi ng Kapuso comedienne-actress, “Isang seryoso pong unforgettable, lagi ko po itong ipinagmamalaki. 'Yung apat na malalaking cast sa eksena sa wedding… It's a big scene so si Direk Manny talagang inihanda niya kami… maraming takes ito ha.”

Dagdag niya, “Nabilib ako sa kanila [Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, and Jodi Sta. Maria], ang galing nila. Take 1, take 6… 'yung pag-execute nila nung eksena level 1 grabe naitaas pa nila hanggang level 6.”

Tanong pa ni Maey sa lead stars habang kaharap niya ang mga ito, “Saan n'yo kinukuha 'yung power ninyo na umiyak kayo ng ganun ka-natural?”

Kilala si Maey sa serye bilang si Elsie, ang best friend ni Rose na ginagampanan naman ni Jodi Sta. Maria.

Ang Unbreak My Heart ay ang kauna-unahang collaboration drama series ng GMA, ABS-CBN, at Viu.

Samantala, huwag palampasin ang mga tagpo sa natitirang dalawang gabi ng 'Unbreak My Heart.'

Mapapanood ang serye mamaya sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maaari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.