Richard Yap earns praises from 'Unbreak My Heart' viewers
Ang Kapuso actor na si Richard Yap ay napapanood sa Unbreak My Heart bilang si Matteo.
Ang karakter ni Richard ay ama ni Alex/Xandra, ang role naman na ginagampanan ni Gabbi Garcia sa serye.
Si Matteo o Matt ay nagmula sa mayamang pamilya ng mga Zhang.
Siya ay ex-husband ni Rose, ang karakter ni Jodi Sta. Maria sa naturang collaboration series ng GMA, ABS-CBN, at Viu.
Sa book 1 ng serye, napanood si Matt bilang isang istriktong ama ni Alex/Xandra.
Sa latest episodes naman ng serye na parte ng book 2, tila nagkaroon ng pagbabago sa karakter ni Richard.
Usap-usapan sa social media ang acting skills ni Richard sa drama series.
Bukod pa rito, tila hook na hook din ang mga manonood kung paano tinuturuan at pinapayuhan ni Matt (Richard Yap) ang kanyang anak na si Alex/Xandra (Gabbi Garcia) na magpatawad.
Natrito ang ilang positive comments na natanggap ng aktor mula sa viewers at fans ng Unbreak My Heart:
Bukod kay Richard, umaani rin ng papuri mula sa mga manonood ang co-Kapuso star ng una at Global Endorser na si Gabbi.
Samantala, silipin ang ilang eksenang mapapanood ngayong Huwebes, September 14, sa serye:
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Unbreak My Heart.
Mapapanood ang naturang serye tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.
Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.