Will Ashley feels comfortable and happy with his 'Unbreak My Heart' co-stars
Isa si Will Ashley sa mga aktor na inaabangan sa nalalapit na pagpapalabas ng biggest collaboration ng GMA at ABS-CBN na Unbreak My Heart.
Bago ang pagsisimula ng serye, nakapanayam ng GMANetwork.com si Will at masaya niyang sinagot ang tanong kung kumusta ang set ng upcoming series.
Sagot niya, “Masaya, sobrang masaya kami kasi naging komportable na kami sa isa't isa dahil nga nag-Europe kami. Parang every scene na gagawin namin parang natural na lang siya…”
Mapapanood si Will sa naturang palabas bilang si Jerry, ang magiging katambal ng karakter ni Bianca De Vera na si Gwen.
Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Bianca na itinuturing na nilang pamilya ang isa't isa habang kinukunan at ginagawa nila ang ilang eksena para sa Unbreak My Heart.
Ngayong darating na May 29, mapapanood na ang pinakaaabangang teleserye na pagbibidahan ng Kapamilya at Kapuso stars na sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.
Kabilang din sa star-studded cast ng serye sina Laurice Guillen, Nikki Valdez, Eula Valdes, Sunshine Cruz, Victor Neri, Romnick Sarmenta, Maey Bautista, at marami pang iba.
Mula sa darating na May 29, mapapanood ang Unbreak My Heart tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Para naman sa advance streaming, maaari itong mapanood sa May 27, 2023, 9:00 p.m. sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.
KILALANIN ANG CAST AT DIRECTORS NG UNBREAK MY HEART SA GALLERY SA IBABA: