
Sa summer special ng Kapuso series na TODA One I Love, kitang-kita na pinaghandaan ng cast ang kanilang summer bodies.
Game na game ang cast dahil nakadisplay ang kaseksihan nina Kylie Padilla at Jackie Rice. Samantala ang boys naman, ipinakita ang kanilang pagka-hunk.
Kwento ni Ruru Madrid, “Pinaghandaan po ng lahat ito.
“Yung iba nagpunta na sa gym, yung iba ang tagal nang hindi kumain at nagpagutom para lang sa mga eksena na topless.”
Si David Licauco naman na gumaganap bilang si Kobe, dedicated sa pag-maintain ng kanyang abs.
“Kahit na may taping, nagwo-workout po talaga ako.
"Yung diet ko wina-watch ko pa din. Low-carbs pa rin.” sabi ng aktor.
Silipin ang summer special ng TODA One I Love:
Patuloy na abangan ang summer special ng TODA One I Love na mapapanood sa GMA Telebabad pagkatapos ng Onanay (https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/onanay/about/) .
Kylie Padilla sa sampal ni Gladys Reyes: 'Nagising ako'
Rodjun Cruz at Christopher de Leon, mapapanood sa 'TODA One I Love'