Rodjun Cruz at Christopher de Leon, mapapanood sa 'TODA One I Love'
May special participation sina Rodjun Cruz at Christopher de Leon sa TODA One I Love, ang election-serye na handog ng GMA News and Public Affairs.
Nadisgrasya si Kobe! | Episode 22
Gaganap si Rodjun bilang si Robert, dating classmate ni Vicky, na posibleng pagselosan ni Kevin.
Siya rin ang magyayaya kay Vicky na pasukin ang ibang business ventures at i-expand ang 'Wash Ko Lang.'
Si Congressman Enrique Sixto naman ang gagampanan ni Christopher de Leon, na representative ng Ako FOGI (Farmers' Organization for Growth and Improvement) Partylist.
WATCH: Christopher de Leon, gaganap sa 'TODA One I Love'
Kakampi ba siya ni Gelay o magiging kaaway siya ito?
Alamin ang sagot at tutukan ang TODA One I Love mamayang gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng Onanay.
Maraming rebelasyon sa 'TODA One I Love' mamaya -- rebelasyon ng pag-ibig at sikreto sa pamilya! 'Di n'yo dapat palampasin ang mga ito!
-- GMA Public Affairs (@GMA_PA) March 6, 2019
Tonight's official hashtag: #TODALabanGelay pic.twitter.com/y3G1L4tCE1