TV

Jackie Rice, aminadong hirap sa kanyang role sa 'TODA One I Love'

By Aaron Brennt Eusebio
Hindi naging madali para kay Jackie Rice ang gampanan ang kaniyang karakter na si Kapitana Tiffy sa 'TODA One I Love.'

Sumabak sa workshop si Kapuso actress Jackie Rice dahil aminado siyang hirap siya mag-adjust sa panibagong role na gagampanan niya sa TODA One I Love.

Gagampanan niya ang kikay at chikadora na si Kapitana Tiffy, ang barangay chairman ng kanilang lugar.

Aniya, “Ang hirap dahil tahimik akong tao and hindi kikay sa real life.”

Kimpoy Feliciano, masaya na babae na ang ka-love team sa 'TODA One I Love'

Samantalang ang huling karakter na ginampanan ni Jackie ay si Ava sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka, kung saan sobrang dark ng kanyang katauhan, kaya naman mag-iiba ang kanyang role sa panibagong show.

Kasama niya rin sumabak ang kanyang TODA One I Love co-stars na sina Ruru Madrid, Kylie Padilla, David Licauco at Gladys Reyes.

Hindi rin makapag-hintay si David na maging si Kobe Generoso, isang well-mannered at well-educated guy.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.