GMA Logo Rabiya Mateo
PHOTO SOURCE: @rabiyamateo/ TiktoClock
What's on TV

Rabiya Mateo, emosyonal sa birthday message ng kanyang ina

By Maine Aquino
Published November 14, 2022 8:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo


Nagbigay ng mensahe ang nanay ni Rabiya Mateo sa kanyang birthday episode sa 'TiktoClock.'

Naging emosyonal si Rabiya Mateo nang marinig niya ang boses ng kanyang ina sa birthday episode niya sa TiktoClock.

Ngayong November 14 ay nagdiriwang ng 26th birthday ang ating Kapuso beauty queen sa pinagbibidahang morning variety show ng GMA Network. Nakapagbigay ng mensahe ang mommy ni Rabiya via phone call.

Ayon sa ina ni Rabiya na si Christine Mateo, "Happy birthday, magpakabait ka diyan. Magiingat ka parati."

Rabiya Mateo and Mommy Christine Mateo

PHOTO SOURCE: @rabiyamateo

Hiling ni Mommy Christine sa anak, "Sa 26 years old mo na edad sana ganoon pa rin tayo. Mahal na mahal ka ni mama mo."

Nagpasalamat naman si Rabiya sa surprise na mensahe ng kanyang mommy Christine sa TiktoClock.

Ani Rabiya, "Thank you mama, I love you po."

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

Balikan ang full episode ng birthday ni Rabiya sa TiktoClock at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SILIPIN ANG MGA STUNNING PHOTOS NG KAPUSO BEAUTY QUEEN NA SI RABIYA: