Rhian Ramos, maraming nadiskubre kina Kuya Kim Atienza, Pokwang, and Rabiya Mateo
Masaya si Rhian Ramos na nakaka-bonding niya sa TiktoClock sina Kuya Kim Atienza, Pokwang, at Rabiya Mateo.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Napapanood si Rhian bilang "paboritong Tiktropa" sa morning variety show ng Kapuso network.
Kuwento ni Rhian sa exclusive interview ng GMANetwork.com, masaya siya sa kanilang bonding sa harap at likod ng kamera.
"Ako nae-enjoy ko talaga 'yung entire TiktoClock experience, hindi lang during the show, kung hindi pati behind the scenes din. During lunch break wala kaming ginagawa kung hindi magchikahan at magkuwentuhan."
Natatawang biro pa ni Rhian, "Pinagtsi-tsismisan namin lahat."
Isa-isang ikinuwento ni Rhian ang kanyang nabuong friendship sa bawat host ng TiktoClock. Una niyang ibinahagi ang kanyang experience sa pakiki-bonding kay Kuya Kim.
Ani Rhian, "Marami akong natututunan kay Kuya Kim. I feel like I can ask him anything and he always has the right answer."
Sunod namang ibinahagi ni Rhian na marami siyang nalaman kay Pokwang.
"Si Mamang Pokwang naman, so many stories. Parang ang daming nangyari sa life niya na super interesting and super funny din ng pagkakuwento niya."
Dagdag pa ni Rhian, nage-enjoy sa bonding nila ni Pokwang. "It's always a good time with her at ang sarap niyang magluto."
Ikinuwento rin ni Rhian na marami siyang nadi-discover ngayon kay Rabiya.
"I've been enjoying getting to know her better kasi this whole time pala we've been living in the same area and we didn't know that we're almost neighbors."
Dagdag pa ni Rhian, "Parang nagkukuwentuhan lang din kami about our experiences and how our lives have changed from before to now."
TINGNAN ANG MGA LARAWAN NG TIKTOCLOCK HOSTS NA SINA KUYA KIM, POKWANG, AT RABIYA: