Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, nagkaharap muli sa 'TiktoClock'
Nag-react sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales sa nakakakilig na episode ng TiktoClock noong September 28.
Sa nasabing episode, bumisita sina Jeric at Yasmien Kurdi para makisaya sa TiktoClock at para na rin i-promote ang kanilang bagong programa na Start-Up PH.
Napanood sa TiktoClock ang kulitan at sweet moments nina Jeric at Rabiya na ikinagulat ng mga Tiktropa dahil sa naging usap-usapan sa showbiz na nauwi lang din sa hiwalayan ng dalawa ngayong taon.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Pag-amin ni Jeric sa online exclusive interview niya sa TiktoClock, "Actually kinakabahan talaga ako sa guesting na 'to with TiktoClock. 'Yung mga hiritan, 'yung mga hugutan medyo kinakabahan ako. Pero sobrang nag-enjoy ako kasi fun fun siya."
Kuwento pa ng Start-Up PH star, masaya siya sa "Quiz and Shout" game na sinalihan niya sa TiktoClock.
"'Yung mga games namin na-enjoy ko kasi pinag-pair talaga kami e 'no? Surprisingly, kilala ko kasi Rab e, competitive talaga 'yan, hindi nagpapatalo. Pero 'di rin ako nagpatalo. Nanalo ako."
Bago magtapos ang kaniyang interview, nag-iwan naman ng mensahe si Jeric para kay Rabiya.
Ani Jeric, "Ingat ka palagi, I'm always here for you. I am proud of you."
Ibinahagi naman ni Rabiya ang kanyang naramdaman nang magkaharap sila muli ni Jeric.
Saad ng TiktoClock host, "Actually masaya, kasi magkaibigan naman talaga kami ni Jeric. So kanina kulitan, sinakyan na lang talaga namin 'yung kasiyahan. At 'yung maganda sa amin wala talagang awkwardness kung makikita niyo nga sa screen."
Paliwanag pa ni Rabiya, masaya siya na nag-guest si Jeric at si Yasmien sa kanilang show.
"Hindi naman kami nagpapasikat, wala namang sama ng loob. I am happy na nandito sila to promote their show and nandito sila para maki-join sa amin sa mga games at sa kasiyahan. I'm sure maraming Tiktropa 'yung natuwa."
Sa huli, nag-iwan naman ng mensahe si Rabiya para kay Jeric. Biro ni Rabiya, "Jeric, balik ka ulit dito kung may ipa-plug ka."
Abangan ang full episode nito sa GMANetwork.com o sa GMA Network app.
BALIKAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA RABIYA AT JERIC DITO: