GMA Logo Cheska Fausto, TiktoClock
What's on TV

Cheska Fausto, napatili sa kilig sa 'Love Under Cover' ng 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published March 18, 2025 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chris Pratt takes audiences along on immersive AI journey in 'Mercy'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Cheska Fausto, TiktoClock


Panoorin ang reaksyon ni Cheska Fausto sa "Love Under Cover" ng 'TiktoClock.'

Isang nakakakilig na Lunes ang napanood sa TiktoClock dahil sa bagong episode ng kanilang dating segment na "Love Under Cover."

Napanood sa "Love Under Cover" nitong March 17 si Cheska Fausto. Si Cheska ang namili sa apat na covered boys na nakatago sa likod ng kurtina ng kanyang makaka-date sa TiktoClock.

Kuwento ni Cheska, hanap niya ay ang mature na lalaki.

"Siyempre kailangan natin 'yung aalagaan tayo. Dapat prinsesa."

Saad pa ni Cheska sa mga sumali sa "Love Under Cover," "Be yourself. Kalma lang, chill lang."

Pagkatapos ng tanungan, kapaan, at kilig moments, napili ni Cheska si Covered Boy 3 na si Christopher. Panoorin ang kilig reaction ni Cheska sa "Love Under Cover" dito:

Sa mga nais na maka-date ang inyong mga celebrity crush tulad ni Cheska, sali na sa "Love Under Cover" ng TiktoClock. Panoorin ito para sa kabuoang detalye.

Patuloy na subaybayan ang TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:00 am sa GMA Network.