
Ikinagulat ng mga Tiktropa ang biglang pagbisita nina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz sa TiktoClock.
Tumungtong sa stage ang It's Showtime hosts na sina Jugs at Teddy sa "Tanghalan ng Kampeon" noong Lunes (May 6) sa TiktoClock.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
"Kasama na ba natin 'yang mga 'yan?" Tanong ng "Tanghalan ng Kampeon" judge na si Renz Verano.
"Bakit nandito kayo?" Tanong naman ni Pokwang nang makita sina Jugs at Teddy.
"Show namin 'to ha, hindi niyo show 'to," biro ni Kuya Kim sa biglang pagsalang nina Jugs at Teddy sa TiktoClock.
"Napadaan lang po. Pasensya na po naligaw lang po kami," saad ni Teddy sa mga nanonood ng TiktoClock.
Isang "What's up madlang Tiktropa!" ang naging pagbati ni Jugs at Teddy sa TiktoClock.
Dugtong pa ni Teddy bago sila tumawid sa kanilang studio, "Nood po kayo ng It's Showtime pagkatapos ng TiktoClock."
Balikan ang biglaang pagbisita ng It's Showtime hosts na sina Jugs at Teddy sa TiktoClock.
SAMANTALA, NARITO ANG DEBUT NG IT'S SHOWTIME SA GMA NETWORK: