IN PHOTOS: First taping day ng 'The Write One'
By Marah Ruiz
Published On: February 1, 2023, 04:45 PM
Updated On: March 8, 2023, 05:39 PM
Nagsimula na ng taping ang upcoming romance drama ng GMA Public Affairs na 'The Write One.'
Ito ang unang serye mula sa collaboration ng GMA Network at ng leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service na Viu.
Pagbibidahan nina Ruru Madrid, Bianca Umali, Mikee Quintos, at Paul Salas, kuwento ito ng isang lalaki na mabibigyan ng pagkakataon na baguhin ang kuwento ng kanyang buhay gamit ang isang misteryosong typewriter.
Sumabak na sa taping sina Ruru, Bianca, Mikee kasama sina Lotlot de Leon, Kaloy Tingcungco, at Euwenn Mikaell.
Narito ang pasilip sa unang taping day ng upcoming series na 'The Write One':
Ruru Madrid
Handa na si Ruru Madrid para sa panibago niyang proyekto na 'The Write One.'
Scene
Ipinasilip ni Ruru ang ilang mga eksena na kinunan sa unang araw ng kanilang taping.
rurumadrid8 (IG)
Monitor
Kumusta naman ang performance ni Ruru?
Selfie
Selfie break muna sina Ruru at Mikee Quintos.
Lotlot de Leon
Isang 'di malilimutang pagganap na naman ang maaasahan mula kay Lotlot de Leon.
Makeup
Konting retouch bago sumabak sa panibagong eksena.
Script
Proud na ibinahagi ni Ruru ang kopya ng kanyang script.
Identical
Tulad ni Ruru, nag-post din si Bianca Umali ng kopya ng kanyang script.
Bianca Umali
Ready na rin si Euwenn Mikaell para sa mga eksena niya kasama si Bianca.
Euwenn Mikaell
Masaya si Euwenn na makatrabao si Ruru.
Blessing
Itinuturing nina Euwenn at Mikee na blessing para sa taong 2023 ang 'The Write One.'
Kaloy Tingcungco
Chill muna sa waiting area sina Euwenn at Kaloy Tingcungco.
Sweet
Real to reel ang sweetness nina Bianca at Ruru.
Tagaytay
Sa Tagaytay idinaos ang unang taping day ng 'The Write One.'
OOTD
Fierce ang outfit ni Mikee para sa isa sa kanyang mga eksena.
Smile
All smiles din si Lotlot bago ang kanyang take.